Trouble 35

129 6 0
                                    

“Are our cars eye-catchers?” biglang tanong ng isang lalaki na kaedad lang yata ni Kuya sa katabi niyang seryoso na nakatingin sa amin. Mahina lang ang boses nila pero dahil tahimik lang ang paligid ay halos mag-echo ang boses nila sa buong bahay.

Nasa loob na kami ng bahay at kasalukuyang nakaupo sa couch. Even the unexpected visitors occupied the seats but the two men whose aged as Kuya refused to sit. They chose to stay standing behind the elders.

“I've heard Ferraris costs arm and a leg,” the serious-looking man replied.

Kung tama si Kuya na kamag-anak nga namin ang mga ito ay sigurado akong magpinsan kami. Pero ang awkward, huh? Napakaseryoso nila. Para akong pinapaligiran ng kalahing bato ni Kuya. Contagious pala ang sakit ni Kuya?

The other man groaned like he's in pain. “Argh, if then, I should've brought the other one.”

“Which one?”

“The blue one.”

The receiver furrowed his brows and rolled his eyes. “That's still a Ferrari. You should shut up now.”

“I should've brought my A8 Audi.”

“The ball is in your hands,” he replied lazily. Shit! Kauri nga ni Kuya!

Biglang nagtama ang tingin namin noong maingay na lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at tumikhim. Pasimple niyang siniko ang katabi niyang tahimik na lang. Geez, ang daldal niya!

“Dude, they're staring at us,” he whispered but enough for us to hear it. I rolled my eyes. Really?

“We're doing the same thing,” tugon ng lalaking gusto na talaga ng katahimikan pero ayaw ibigay ng madaldal niyang katabi.

Napangiwi na lang ako sa pinag-uusapan nila. Hindi ba nila alam na rinig na rinig sa buong bahay ang pinag-uusapan nila? Para namang hindi sila bumubulong, eh. They're not discreet about their conversation. Maybe because it's not that private.

I looked at the elders. They were staring at us with a small smile planted on their lips. 'Yong ibang lalaki na kaedad lang yata ni Papa ay parang napipilitan pa. Hmm. Seems like it really runs in Ravenna's blood, huh? 'Yong pagiging tahimik at tipid na magsalita? Ganiyan na ganiyan si Papa sa amin kahit pamilya niya kami, eh. Para ngang maghihirap siya kung magiging madaldal siya kahit sa isang araw lang. Kuhang-kuha ni Kuya ang pagiging tahimik ni Papa. Pero para namang dragon kung magalit.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo kaharap namin nang magsalita siya sa isang kalmado at buong boses. Sigurado akong kaedad lang siya ni Papa. Saka may pagkahawig silang dalawa. Pareho ring berde ang kulay ng mga mata nila. Tanging mga babae lamang ang may iba-ibang kulay ng mata. May kulay black at brown. Seems like 'yong mga lalaki lang ang kamag-anak ni Papa.

“You two must be wondering who are we,” that man began with a small smile, “Give yourselves a seconds to know more about us.”

He stood up firmly. Nakatingala ako sa kaniya. Grabe, ang tangkad niya. Matangkad nga ang mga Ravenna. And even at his age, looking young pa rin. Parang ang guwapo ng Tito kong ito noong mga kabataan nila. Marami rin siguro itong napaiyak noon.

“Cleusav is right.” Saglit niyang tinapunan ng tingin si Kuya na tahimik lang na nakamasid sa kanila. “We are also a Ravenna, born and raised inside the private mansion that Ravenna owns. Unlike you, we like our identities be kept to us ourselves, means privately. We do not want to appear in public.”

Ang aarte naman pala ng mga ito kung gano'n. Ayaw ma-expose sa public? Artista 'yan? Now I get kung bakit medyo ignorante sila at hindi sanay na tinititigan. Kasi naman pala ay lumaki sa loob ng mansyon. Pero saang mansyon? Sa Levister City ba?

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon