Trouble 16

124 8 0
                                    

ISANG mahinang kaluskos ang gumising sa diwa ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at isang pamilyar na kulay abong kisame ang sumalubong sa paningin ko. Dalawang beses akong kumurap bago ko tinulungan ang sarili na bumangon.

Napapikit ako nang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako roon at napamura nang mahina. Noong una ay wala pa akong ideya kung bakit ang sakit ng ulo ko. Pero nang maalala kong nag-inuman kami kagabi ay muli na naman akong napamura.

“Tangina, hangover.”

Idinilat kong muli ang aking mga mata. Muli akong kumurap. Nakangiwi pa rin ako dahil kumikirot talaga ang ulo ko. Para iyong minartilyo nang makailang ulit. Saka umiikot pa ang paningin ko. Sa tingin ko ay kailangan ko pang magpahinga kaya gumalaw ako at muling nahiga sa malambot kong kulay itim na kama.

Noon ay narinig kong parang isinara ang pintuan. Nang tumingin ako roon ay nakita ko ang nakatatanda kong kapatid. Himalang hindi nakakunot ang noo niya. Ngayon kasi ay nakataas ang kilay niya. Mukha tuloy siyang mataray na nilalang na kadugo ni Hitler.

Naka-coat and tie si Kuya Cleus. Mukhang handa na siyang pumasok sa kompanya namin. May dala rin siyang tray na may lamang pagkain. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mabangong pagkain. Saka amoy na amoy ko rin ang peanut butter. Paborito kong palaman iyon.

“Anong oras na, Kuya?” tanong ko sa kaniya.

Mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong kong iyon. Naglakad lang siya palapit sa akin at inilagay ang tray sa bed-side table. Sinundan ko ng tingin ang galaw niya. Nakita kong umuusok pa ang kape na naroon sa tray. Ngumiwi ako. Alam ni Kuya na hindi ako mahilig uminom ng kape.

“That's not yours, but mine.”

Okay, binabawi ko na. Sino ba ang nagsabing para sa akin ang dala niyang pagkain?

“The foods are yours, the coffee is mine.”

Ngumiti ako sa pagkakataong iyon. Kahit kumikirot pa ang ulo ko ay bumangon ako upang mayakap at mahalikan sa pisngi ang gwapo kong nakatatandang kapatid.

“Good morning, Kuya!” I kissed his right cheek. May tunog pa iyon at napansin kong nakangiwi pa siya. 'Yon pala ay dahil nagusot ang coat niya dahil niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko na lang pinansin iyon at kinuha na ang tray. Kumuha ako ng dalawang bread at nilagyan ng palaman na peanut butter. Dinamihan ko para masaya.

Nang akmang kakagat na ako sa bread na may palaman na peanut butter ay napansin ko ang hangover pills sa gilid, katabi lang ng isang baso ng tubig. Napanguso ako at napatingin sa nakatatanda kong kapatid. Ang sweet and caring naman ng nilalang na ito. Alam niyang sasakit ang ulo ko ngayon kaya siya nagdala ng hangover pills. Maalalahanin ang nilalang na ito. Lagyan ko nga ng five stars sa braso.

“Sandali, paano ako nakauwi rito?” nakakunot ang noo na tanong ko nang maalalang nasa kwarto ko ako ngayon. Hindi ko maalalang umuwi ako rito.

“Eat and sleep,” Kuya simply replied. Kinuha niya ang umuusok pa na tasa ng kape saka niya iyon hinipan at dahan-dahang ininom.

Napasimangot ako. “Kuya, answer me!”

He looked at me. “It was Klein who brought you home.”

Napatango na lang ako saka ko na kinagatan ang bread na may palamang peanut butter. Napapikit ako nang malasahan ang sarap na hatid ng peanut butter. I really love peanut butter!

“By the way, Dad wants to talk to you. You better fix yourself before you answer his call,” he told me as he fixed his tie and stood up.

He kissed me on my cheeks before he exited my room. Naiwan akong kumukurap. May super powers yata si Kuya kasi ang bilis niyang naubos ang umuusok na kape. Parang hindi man lang napaso ang dila niya. Siya yata ang nawawalang kapatid no'ng lalaki na nasa K-Drama entitled “The Girl Who Sees Smell”.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon