Trouble 1

618 22 36
                                    

"Sa likuran mo!"

Napatingin ako sa isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay kahel na t-shirt. Abala ito sa pagpalo sa isang kasama ko kaya hindi niya ako napansin nang dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Nang nakalapit na ako ay pinalo ko siya nang malakas gamit ang kahoy na dala ko.

One strike, full force.

Napangisi ako nang sa isang palo ko lang ay natumba kaagad ito. Alam ko kasing nanghihina na siya kaya mahina na rin ang pakiramdam niya. Napatingin sa akin ang isa sa mga kasamahan ko at ngumiti ito sa akin. Tumango lang ako sa kaniya.

Binitiwan ko ang hawak na kahoy at tinanggal ang itim kong gloves. Wala namang galos ang katawan ko, sa pisngi ko lang kasi kinalmot ba naman ako ng kalaban namin kanina. Parang bakla lang ang tanga.

Tumingin ako sa mga pawisan kong mga kasama. Ang iba ay nakahiga pa habang hinahabol ang kanilang hininga. 'Yong iba naman ay nakaupo at nakatingala sa langit habang nakanganga na parang humihingi ng tubig mula sa kalangitan. Pagod na pagod sila.

Umirap ako at itinapon ang ginamit na gloves sa basurahan. Ngumiwi ako nang mapansing may tao pang nasa loob n'on. Kalaban iyon namin na nawalan ng malay kaya ipinasok sa loob ng lumang drum ng basurahan.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila. "Ano? Okay na ba ang lahat?"

Isa sa mga kasamahan kong si Avin ang sumagot. "Goods lang. Keri lang ang pasa sa labi."

Tinaasan ko siya ng kilay ko. "Kasalanan ko 'yon?"

"Hindi ka naman sinisi—"

"Aba!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Tumawa lang ang gago saka nag-peace sign sa akin. I rolled my eyes again.

Noon ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mabuti na lang at tapos na ang labanan. Nang tiningnan ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko ang pangalan ng nakatatanda kong kapatid. Kanina pa pala siya tumatawag. May anim na missed calls na kasi. Sorry naman sa kaniya, busy ako, e.

Pumikit ako at pinakalma ang aking sarili. Malakas kasi ang tibok ng puso nang dahil sa nangyari kanina. Hinihingal pa nga ako. Apat lang ang napatumba ko dahil hindi naman marami ang kalaban namin.

Inilayo ko muna ang cellphone sa tainga ko bago ko sinagot ang tawag.

"RENAYA ELLE! WHERE ON EARTH ARE YOU?!"

Mabuti na lang talaga at hindi ko agad dinikit sa tainga ko ang cellphone. Naka-on pa naman ang loud speaker at tiyak na magiging bingi ako nang wala sa oras kung hindi lang ako naging ready. Inilapit ko na ang speaker ng cellphone sa kaliwang tainga ko.

"Chillax, my brother. Chill and relax! Nasa kanto lang ako," sagot ko sa kaniya.

Inilayo ko ulit ang cellphone dahil alam kong muli na naman siyang sisigaw. Basang-basa ko na siya. Alam ko na ang kilos niya.

"KANTO?!"

Naka-mega phone talaga ang kapatid kong ito. High blood palagi. 'Yong tipong kada maling galaw mo lang ay sisigawan ka na agad. Kaya hindi na ako nagtaka nang mabalitaan kong maraming empleyado ang takot sa kaniya sa kompanya namin. Magkaroon ka ba naman ng tigreng amo na kalahi ni Hitler.

I laughed loudly. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro. Nasa unahan ng Tempt Bar lang ako at kasama ang mga tropapits ko."

Like what I did earlier, inilayo ko ulit ang cellphone. Ayaw ko pang maging bingi. Masyado pa akong bata. Wala pa akong sariling bahay.

"PINAPASAKIT MO TALAGA ANG ULO KONG BATA KA!"

Ngumisi lang ako. "Aling ulo? Sa taas o sa baba—"

"UMUWI KA, NGAYON DIN!"

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon