Trouble 21

119 7 0
                                    

“Iniiwasan mo ba ako, Ayell?”

Weeks had passed. Napapansin yata ng inosenteng lampa na medyo ilag ako sa kaniya. Hindi na rin kami lumalabas para gumala hindi gaya noon. Hindi ko na rin siya iniinsulto kagaya ng nakagawian. Hindi ko na rin siya matingnan sa mata. Kung makikipag-eyes to eyes man ako ay nasa tatlong segundo lang.

Hindi ako sumagot sa tanong niyang iyon. Nasa living room kami at nakabihis ako ng puting sando at jogging pants. Balak kong tumakbo pero biglang dumating ang inosenteng lampa. May dala pa siyang pagkain. Kinain na namin iyon kanina pero konti lang ang kinain ko. Nakatingin kasi siya sa akin at naiilang ako.

Pinupunasan ko ang lamesa. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga tingin niya sa akin. Nasa couch siya at nakatingin sa akin. Pinilit kong hindi hindi siya pansinin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko na parang walang narinig sa kaniya.

“Ayell, sagutin mo naman ako,” mahinanong aniya.

Hindi pa rin ako umimik. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata niya. Saka ayaw ko ring tumingin sa kaniya. Ang lakas na nga ng kabog ng dibdib ko tapos titingnan at kakausapin ko pa siya nang mata sa mata? Ayaw ko. Suicide 'yon.

“Ayell, ano na? May nagawa ba akong hindi maganda kaya mo ako iniiwasan?”

Tahimik pa rin ako. Bahala siyang dumada nang dumada riyan. Ang una kong napagtanto noon ay hindi nagsasalita ang inosenteng lampang ito kapag hindi kinakausap. Ngayon naman ay nabaliktad na. Kusa nang nagsasalita kahit hindi kinakausap ng kausap na ayaw makipag-usap sa kaniya kasi wala namang kwenta ang pag-uusapan nila.

“Ah, mood swings ba ito, Ayell? May dalaw ka ngayon? Ano'ng gusto mong pagkain?”

Natigilan ako. Gago ba siya? Anong mood swings? Muntik ko na siyang mabato ng hawak kong basahan. Gusto kong gamitin ang makinis niyang pisngi bilang pamunas ng mesa. At saka ano'ng alam niya sa dalaw-dalaw na iyan? May girlfriend ba siya noon na ganito rin?

Natigilan ako. Oo, posibleng nagka-girlfriends (yes, with s dahil alam kong may itinatago siyang landi sa katawan niya) na siya at isa ang pinsan ko sa mga exes niya.

Pero bakit ba ayaw akong lubayan ng nilalang na ito? Alam niya bang sa bawat salitang lumalabas diyan sa bibig niya ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya?

“Ayell—”

“Umalis ka muna, Klein.” Padabog kong binitiwan ang hawak kong basahan. “May ginagawa ako.”

Pero sino ba ang nagsabing hindi matigas ang ulo ng inosenteng lampa? Natural na matigas ang ulo niya. Kagaya ng sinabi niya noon, isa iyon sa ‘inner me’ kuno niya. Hindi agad siya sumusunod sa utos, unless kung sasabihin mo kung ano ang rason. Dapat valid rin ang rason. Hindi siya makuntento kapag simpleng rason lang.

“Klein, sabi ko alis ka muna,” sambit ko nang makitang hindi talaga siya gumalaw sa kinauupuan niya. “Nakita mo naman yatang busy ako kasi may ginagawa ako, 'di ba?”

Siyempre, hindi ko siya tinitingnan. Nagkukunwari lang akong nagpupunas ng pawis sa noo ko. Pinagpagan ko pa ang likuran ko para lang may magawa sa harapan niya. Nakaiilang naman kung tatayo lang ako roon habang prenteng siyang nakaupo at pinagmamasdan ako na parang ini-scan ang ulo ko.

“Huh?” Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong kumunot ang noo niya. “Ano naman ang gagawin mo? At talaga? Busy? Bakit? Buong hapon mo bang pupunasan 'yang lamesa kahit hindi na kailangan kasi hindi naman na marumi?”

Napatingin ako sa lamesa. Hindi ko namalayang todo punas pala ako kanina sa lamesa kahit wala namang dumi.

Tumikhim ako at bahagyang nahiya. “Basta, umalis ka muna. Bukas mo na ako kulitin.” O p'wedeng hindi muna.

Guarding Thy Innocence ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon