Kabanata 1

140 5 0
                                    

Same But Different

I stared at the sea of people with no smile plastered on my face. Panay ang buntonghininga ko habang nakaupo sa isang rattan chair at nagpapahangin. Sa hindi ko mabilang na pagkatataon ay tumunog na naman ang teleponong tinapon ko sa buhangin. My expression turned sour. Ramdam ko pa rin ang alak sa sistema ko. Alam ko ring sasabog ako kapag sinubukan kong ibuka ang sariling bibig. Litong-lito lang naman ako at hindi alam ang gagawin. Iyon lang naman. Iyon lang.

"Miss Ayshia, tumawag po ang parents mo---"

"Tell them that I am busy. Wala muna kayong tatanggapin na tawag sa kahit sino sa pamilya o mga kaibigan ko. Tell them all that I cannot entertain them. Please, pakiusap lang." Halos hindi ko na makilala ang sariling boses nang magsalita ako. It just felt more empty. Sobrang-sobra pa nga.

Buo naman ang pamilya ko, may mga kaibigan ako saka isang maayos na trabaho pero bakit naman ganito? Tapos ngayon na gusto kong mapag-isa ay saka sila manggugulo. Ano bang dapat kong gawin? For years, I believed that he was dead. For years, I mourned for his death. It was so colorless, empty and then this? Was I just a big joke in their life? So what now? Am I to blamed for this? Am I?

"Yes, ma'am."

Iniwan ako nito habang nanatili naman ang tingin ko sa dagat ng mga tao. Bigla ay isang ala-ala ang pumasok sa isipan ko dahilan para magsiunahan sa pagtulo ang mga luha ko. That night in the lanterns display that everyone looked forward for was the night I also got to name the emotions I felt for him. It was something special, something beautiful that immediately ended tragically.

Hindi ko na namalayan pang nakatulog ako habang nakaupo pa rin. I just woke up when I felt someone brushing my hair. Nang luminaw na ang lahat sa paligid ko ay roon ko napagtanto na nag-uusap sila. Pinag-uusapan nila ako, ang katotohanang nalaman ko na rin naman. How could they all hide this to me? How could they all make me suffer in sadness for how many years? Sinong nakaaalam pa? Mommy? Daddy? Ate Marjorie? Kuya Kian? Lezzana? Xian? Silang lahat ba? Ako lang ba iyong mukhang tangang hanggang ngayon ay nagluluksa sa taong hindi naman pala patay?

"Naglasing siya! How will we all break it to her now, Daisy? I told you to just tell her the truth! Ngayon ay anong gagawin natin? Alam na niya!" My eyes immediately watered with what I had heard. Alam nga nila. Alam nila pero bakit nila itinago sa akin? Sumikip ang dibdib ko habang pinipigilan ang sariling sumabat na lang bigla sa usapan nila. I want to hear everything first, I want to know their side first.

Kaya ako umalis sa bahay ay dahil alam kong makagagawa ako ng isang bagay na puwede ko ring pagsisihan. What that old man says still lingers in my mind. Ayaw kong dumating sa puntong makalimutan ko kung sino ang kaharap ko, maipaalam lang sa kanila kung gaano kasakit sa parte ko ang lahat ng ito.

I just want to know where he is, to know that he is just fine. Sa tingin ba nila ay ganoon ako kabaliw para humabol kahit hindi na talaga puwede? I did a mistake years ago. It was a mistake that cost him and my own life at stake. I don't have plans to do the same mistake again. Not again.

"Kailangan natin silang ipaghiwalay! Sa tingin mo ba ay nangyayari lahat ng ito ngayon kung hindi pabor sa atin ang langit? Huwag mong kalimutan na kasalanan ang ginawa nila noon! Nakadidiri iyon, Peter! And I am not letting that scene happened again! Hindi kailanman!" 

"Huwag mo ring kalimutan na anak natin si Ayshia. Can't you trust her? We keep pushing her to do her best, we keep giving her things she needed to achieve for her success. Pero kailanman ay hindi natin siya natanong kung okay lang ba iyong pinapagawa natin, kung hindi ba mahirap o masakit sa loob niya. Can't you remember, Daisy? She only asked three things from us. On her birthday, the resort and New York. Tatlong bagay lang iyon. Tatlong bagay lang."

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon