Kabanata 16

93 3 0
                                    

Sa nakaisip na si AC talaga ang totoong donator, wow, perfect score ka, my navy! Haha, kidding aside. Sana masaya na kayo sa nalaman. Huwag ninyo na ako kulitin kasi baka bumaliko ang plano ko sa ending. Naglagay ako ng clues, alright? Super kapansin-pansin ang mga clues ko kaya. Anyways, happy reading!(✿ ♡‿♡)

---
Our Sun

"Are you really alright? Puwede pa naman tayong manatili rito. I contacted one of your employee already to inform them about your situation. Alam na nila ang gagawin sa resort. Puwedeng bukas na tayo bumalik doon," Xian gently said. Puno nang pag-aalala ang mukha niya na marahan ko lang na ikinailing.

"I'm fine. How about you?" umiintindi kong tanong.

Pagkatapos kong magising sa isang panaginip ay gumaan ang dibdib ko kahit papaano. Hindi ko pa tanggap nang tuluyan ang nalaman ko. It would take time, but I know that it won't be impossible. Pero sa ngayon ay gusto kong alalahanin muna ang mga taong nasa paligid ko.

Hindi lang ako ang nawalan. Hindi lang ako ngayon ang nasasaktan sa pagkawala niya. Especially, that Xian knows about her condition. He knows and even if he does, he wasn't still prepared. The reason why he didn't look for her death certificate. Papaano niya nga naman mahahanap ang taong patay na?

Umaasa siyang kahit papaano ay nakaligtas si AC sa sakit nito. Na nagawan iyon nang paraan. And it was not just Xian. Napalingon ako sa pinsan kong kanina pa nakatulala. Nagsisimula na rin akong mag-alala rito. She was like that after confessing something earlier when I woke up.

"I was there... n-nasa labas ako nang dumating ang dalawang ambulansya. I was in panicked when I saw Kuya Azlan... hindi ko n-nasilip--" Umiling siya nang umiling. Nagsimulang magsituluan ang mga luha niya habang puno nang simpatyang nakatingin lang ako rito.

I was asleep at that time. I was even willing to die, not knowing that they are suffering around me too.

"If only I took a peeked... kung hindi lang sana ako pinangunahan ng emosyon ko..." Mas lalong lumala ang iyak nito na siyang ikinaalo na sa kaniya ni Nicho. We all stayed silent as she speak about everything that is inside her mind.

We all suffered, with different level of intensity.

"Kakayanin ko, Ayshia. Kakayanin ko." Bumalik ako sa kasalukuyan sa sinabi ni Xian. He puffed a soft breath before extending his hand for me.

Mariin ko lamang siyang tinitignan, pero nang makitang ayaw matibag ng dingding na nasa paligid niya ay tahimik akong tumango. I accepted his hand for me to left the bed. Umalis kami sa hospital pero bago iyon ay may ibinigay na address si Canix sa amin. He texted us where Aizelle Chloe's thomb could be located. Kahit punong-puno na kami sa nalaman ay pinili pa rin naming pumunta roon.

We drop by a flower shop nearby to buy flowers for her. Tulala pa rin si Lezzana. Halos hindi na nito alam ang ginagawa kaya ginagabayan na lang ni Nicho. I feel sad that we found out what happened years ago like this. Ni hindi namin nasamahan si AC noong mga panahong may sakit siya.

I felt even stupid for saying that I'm dying, when half of her body was already buried in the ground. Mas lalong nakatatanga na hindi namin napansin ang mga pahiwatig ng sakit niya noon. It was already there, but we, I, failed to noticed it.

"I know that you don't want them to worry, and you are not the first one to do this, so okay. I understand."

A soft sad smile escaped from my lips when I remembered what the doctor in our school said to me. I was not the first because AC did it too. Siya ang nauna sa akin. The doctor already knows her findings, and she doesn't want us to know so she conspired with her and hide it from us.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon