Anemone Montreal
I was married to my husband, Zane Vergara when I learned that I couldn't get pregnant. My ovaries were infected and I can't bear a child on our own. So my partner and I planned to have adoption as an option to have our own baby.
Naaalala ko pang handang-handa na kaming mag-ampon noon nang ibinalita sa akin ng matalik kong kaibigan ang pinoproblema niya. Ruth never wanted to get pregnant. She cares more for her career than to her soon to be child.
"Paano na ang paghahanap ko ng asawa, Ane?! I can't have a fresh husband if I have a child! No one will accept me for this!" naiiyak niyang atungal sa akin. I stopped her when she was about to grab a bottle of alcohol.
Sobrang ingay ng bar na kinalalagyan naming dalawa pero mas malakas ang boses ng kaibigan ko. As if she was mourning for her death. Hindi ko kailan man maintindihan kung bakit ayaw niyang magka-anak. She just keep jumping to one man and another. Minsan ko na siyang pinasabihan tungkol sa bagay na iyon pero wala akong magawa dahil hindi naman siya nakikinig sa akin. She always has her own plans when it comes to her life. A real definition of a wild and free woman.
"Sino ba ang nakabuntis sa iyo? Did you try looking for him? And what's your plan? And Ruth, hindi puwedeng hindi kasali ang bata sa plano mo. That child is yours. Huwag mong ipagkait sa kaniya ang mga bagay na nararapat lamang sa kaniya," I tried talking but she immediately shook her head.
Sirang-sira na ang maskara sa mukha niya. Her tears turned black that made me sigh. Inabot ko sa sariling bulsa ng suot kong pantalon ang isang panyo bago pinunasan ang mukha nito. Awang-awa ako sa kaibigan pero alam kong palagi ko siyang pinapaalalahanan. I wanted for her to stop, but she just won't budge.
"H-Hindi ko kilala. I just find him hot... s-so." Napangiwi ako bago nasapo ang sarili kong noo. Gusto kong iuntog ang sariling ulo dahil sa kagagahan niya. Then she gasped suddenly that made me look at her. Nanlalaki ang mga mata niya na tila may magandang ideya na pumasok sa isipan niya.
"What? Do you have a plan now regarding the child? And please, stop having sex with just anyone, Ruth! Pati ama ng bata ay hindi mo na kilala dahil sa sarili mong kagagahan! How--ewan ko na lang talaga sa iyo! So, what's your plan?" atat kong tanong sa kaniya. Napagod na lamang magsabi ng kahit ano dahil alam kong pasok sa kanang tainga labas sa kaliwa na naman ang mangyayari. Mauubos na lang ang laway ko ay wala pa ring pumapasok sa kukote niya.
"I'll abort this child, Ane! Hindi pa naman ito formed, right? I can still abort it!" she exclaimed, so happy with her own decision-making.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa. Its just that my chest felt so heavy. Parang may umiiyak sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi niya. My right hand flew towards her cheek, slapping it as hard as I can. Mabilis na tumabingi ang mukha ng kaibigan ko at nang mag-angat nang tingin ay bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"W-Why---"
"Are you that selfish? Buhay ng anak mo ay papatayin mo para lang sumaya ka?! Yes, you are my best friend but I will never tolerate this, Ruth! Hinding-hindi ko hahayaan na patayin mo ang anak mo para lang magawa mo lahat ng gusto mo!"
Nagsalubong ang kilay niya sa gitna dahil sa sinabi ko. Her expression turned fierce as she mockingly smirked at me.
"Bakit ka ba nakikialam? Dahil lang sa hindi ka makaanak? Well, that is not my fault anymore, Anemone! Ako ang ina ng batang ito kaya ako ang gagawa ng plano para sa kaniya! And I'd say aborting this child is the best decision now! Labas ka na sa lahat ng desisyon ko. Kung mangingialam ka pa ay handa akong putulin ang pagkakaibigan nating dalawa! I need someone who'd support me with my decision! Not like you!"
BINABASA MO ANG
A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)
RandomA sequel of puzzled road in the midst of darkness. Will truths reappear as the turning point flower? ___ Is he really dead? That question popped inside Ayshia's head the moment she had known that there's no Azlan Zephyrus Vergara in the cemetery wh...