Kabanata 29

86 3 0
                                    

It Is Over

"Sobrang ganda ba ng Palawan at kuminis ka? And you look even more blooming! What the?! Anong ginagawa mo sa Palawan, Ayshia? Ginawa mo bang sabon ang buhangin doon?" Xian's loud voice boomed. Muntik na akong magtakip ng tainga.

Kung mayroon mang tao na hindi nagbago sa kabila ng lahat ay siya iyon. Lalo na ang utak niya. I don't know what's with him, tho. Matalino naman siya sa klase namin noon. Muntik pa nga siyang maging valedictorian, kaso nauwi sa salutatorian. He is the brilliant one among the group, but how he acts around us makes me question that.

Hindi ko pinansin ang bungad ni Xian sa akin sa pag-uwi ko. Sa sobrang tahimik kasi ng airport ay boses niya lang ang nag-ingay ng sobra. He doesn't know to filter his mouth, really.

"I miss you, Ayshia. How are you?" Ikinulong ako ni Lezzana sa isang mahigpit na yakap na ikinangiti ko. I embraced her back with the same intensity.

"I'm fine. Actually felt better. Mas lalong umayos lang nang sunduin ako." Humiwalay siya sa yakapan namin at napasilip sa taong nasa likod. Azlan remained behind me, carrying our luggage as I took my time talking with my friends.

Lezzana slightly pursed her lips when she glanced at my fiancé. Alam ko naman na sa kabila ng mga nangyari sa amin noon ay talagang tinuring niya na isang pinsan at nakatatandang kapatid si Azlan. And it probably hurt her knowing that they aren't really cousins to begin with in the first place. But no matter what the past was, I want them to still treat each other good. Gusto kong hindi lumayo ang loob niya kay Azlan dahil lang sa katotohanang nailabas.

Sinundot ko ang tagiliran ng pinsan nang hindi man lang ito nagsalita habang nakatingin sa lalaking mahal ko.

"You can talk to him. He actually wants to thank you for something." I smiled. Nag-angat sa akin nang tingin si Lez. Takang-taka sa sinabi ko pero nagkibit-balikat lamang ako pagkatapos ay itinulak na siya nang bahagya papunta kay Azlan.

I then proceeded to Nicholas who had that sweet smile on his lips. Ibinuka nito ang dalawang braso kaya natatawang tumakbo papunta sa kaniya bago yumakap. He kissed the top of my head that made me smile.

"Good job, princess. Welcome home."

"Thanks, Nicho. I'm glad to be home." Nakangiti akong humiwalay sa kaniya at lumingon sa lalaking nagbigay kulay sa buhay ko.

Pagkatapos ng kaonting usapan doon ay lumabas na kami sa airport at dumiretso sa van na sasakyan naming lahat para umuwi. Lezzana said that my parents wanted me at home and so our destination is towards there. Gusto ko rin namang pumunta roon para ipaalam ang plano naming dalawa ni Azlan. They might not like, but I am not really asking for their approval. I am just announcing it to them. Letting them know out of respect.

Besides, it is me and Azlan that is going to marry each other. Tho, Azlan doesn't know about my plan. I call him my fiancé at the back of my mind, and planning to get married with him but he doesn't know any of it. Gusto kong supresahin siya sa paraang alam ko. And with everything that happened in our life, I think we both deserve a happy ending after the long wait.

Habang nagba-byahe pauwi ay si Canix na naman ang tumawag sa cellphone ni Xian. He then passed me the phone because Canix's agenda is to talk with me.

"Are you alright, princess? Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?" striktong tanong nito sa kabilang linya. Iyon agad ang bungad niya sa akin pagkatapos kong bumati na ikinatawa ko nang mahina.

"I'm fine. Thank you. Kung magtigas ka ng tono riyan, akala mo hindi ikaw ang nagbigay ng address ko, ah?" sarkastiko kong tanong habang may ngiti sa labi.

Bumalik na naman ako sa pagtawa nang marinig kong naubo ito sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. I heard V's worried voice too with what happened to her husband. Sa pagkaaalam ko ay tatlong buwan mula ngayon ang due date nito. She probably have a watermelon tummy now because of her baby. I suddenly miss them.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon