Kabanata 3

89 3 0
                                    

Statue of Liberty

Pilit kong kinalma ang sarili ko sa nakalipas na oras. Tapos na akong magluto't lahat pero nanatili pa rin akong nakaupo sa sahig. Nawalan na rin akong ganang kumain pa, na kahit sa pagkilos ay hindi ko magawa. I was just too tired to even make some more extra movements. Pasalamat na lang ako dahil Sabado ngayon at walang trabaho dahil kapag nagkataon ay marami na naman akong hindi magagawang workloads dahil sa nangyari.

Kaya nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell sa apartment ko ay roon lang ako napatayo. Nanghihina akong napahakbang papunta sa pinto ng apartment ko. Tita Anemone's word keeps on ringing behind my mind that wrecks my already broken heart. Sobrang layo ko na nga sa kanila pero nakukuha pa rin nila akong saktan.

Nananahimik na nga ako pero sila itong nanggugulo. Sila itong palaging pinapaalala sa akin ang mga bagay na gustong-gusto kong kalimutan at takbuhan palayo.

As I opened the door, a familiar shade of gray eyes welcomed me. Sa tabi nito ay kasama niya ang babaeng hindi ko inaasahan na makita lalo na dahil sa pagkaaalala ko ay nagseselos ito sa akin. She hates me. The sour look on her face while staring at me from head to toe gives it all.

"What the hell happened to you? Have you been crying, Ayshia? " Canix asked with his furrowed brows. Bakas ang galit at pag-aalala sa mukha nito habang sinusuri ang buong pagkatao ko nang tingin.

Akay-akay ang asawa nito ay pumasok siya sa loob ng apartment ko bago inilapat ang kamay niya sa noo ko. He also checked the surroundings inside my space and sighed after seeing the cold foods in the table that I didn't dare to touched since the call that happened earlier. 

"You look awful, no offense. But it seems that you were crying since last night because your eyes and nose are really red. Also puffy. Singkit ka na nga ay mas lalo mo pang pinasingkit ang mga mata mo. Nakakikita ka pa ba?" nakapameywang niyang tanong sa akin. And now, I realized that her sour look earlier... well, until now, was because of my appearance.

She didn't even bother looking at her husband who was shaking his head because of her uncontrollable mouth. I know that she doesn't know the word mercy. Tuluyan nagkatotoo ang gusto ni Canix noon dahil ang pinakasalan niyang babae ay maldita, higit pa sa pagiging maldita. Her reputation is worse. She is a bully that makes everyone cry, that even Canix the great cried just to be with her.

Pero nagpapasalamat na rin ako na tulad niya ang nakabihag kay Canix. Someone who will fight for him, that even a battle with death itself can't stop her.

"I'm fine. Bakit nga ba kayo narito? Akala ko ay honeymoon ninyo ngayong dalawa? You two should be in Maldives now, enjoying." Pinunasan ko ang pisngi na bakas pa rin ang luha roon. I didn't mind their looks at me and just turned my back after that.

Ramdam ko naman ang pagsunod nilang dalawa sa akin hanggang sa huminto ako sa mesa kung saan naroon ang mga pagkain. Iniligpit ko na lamang iyon dahil wala na rin naman talaga akong gana na kumain. I don't think I can bring myself to chew it while my whole world is collapsing.

"Xian called. He told me everything and for a record, I don't know anything about it. Kahit si Xian ay walang alam tungkol doon. We are also shock as you. And I am worried, Ayshia. I know that you love him so much, but you need to let go already. Kapag nagpatuloy ang ganito ay kailangan mo na namang bumalik sa therapist mo. You knew that this will do you no good at all," marahan niyang paliwanag sa akin.

Nagulat ako ng may kamay na pumigil sa pagliligpit ko niyong pagkain. Inagaw niya sa akin ang mga ito at ininit ang mga iyon. Her back was facing me while she was doing that until she face me with her elevated brows.

"And you need to eat, bitch. Suicide is nothing but an evil lurking around the area. Hindi ka puwedeng magpadala sa ganoon. Saka mahal ang naging gastos namin papunta rito kaya makinig ka sa asawa ko kung ayaw mong makatanggap ng mag-asawang sampal na may plus kabit pa, okay?"

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon