Good morning, my navies! Sana hindi pa sumasakit ulo ninyo sa pinanggagawa ko sa buhay ni Bebe Ayshia haha. Also, I thank Ate Shaira Honey Costorio Nessia, for letting me use her beautiful name. This chapter is dedicated for her.🥀❤️
--Engaged
"Welcome back."
I took a deep breath as he opened his arms for me. Nang walang pagdadalawang-isip ay tumakbo ako sa gawi niya para yumakap. Xian chuckled lightly when I buried my face in his chest. Naramdaman ko naman ang paghalik nito sa buhok ko bago ako pinakawalan.
"I'm sorry that you need to go back here after what you discovered," aniya, ang ngiti sa labi ay nabura at napalitan nang lungkot para sa akin.
I shook my head. Nilibot ko ang tingin sa paligid kung saan ay punong-puno ng mga tao ang airport. I just arrived at Ninoy Aquino's Airlines. Pagkatapos tumawag ni Xian tungkol sa Agape Beach Resort at ang biglaang pagre-resign ni Ate Marjorie ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang mag-empake. I never planned to go back in my homeland. Mas gusto ko pa ngang maging regular sa New York. I know I can do it with the help of Canixter, but here I am now.
I resigned immediately in our company in New York. Kaya kahit weekends ay walang nagawa ang boss namin kung hindi hayaan ako lalo na dahil sinabi ko na rin naman dito ang rason. But I warned him not to tell my parents about my resignation, especially that I am not even planning to meet them while staying in the Philippines.
"It's fine. You are still looking for her, right? Saka ay may trabaho ka rin kaya naiintindihan ko kung hindi mo maaalagaan ang resort ko," puno nang pag-uunawang tugon ko pagkatapos ay tinapik nang mahina ang balikat niya. "I am already thankful enough that you are here to fetch me."
Xian cupped his chest that made me roll my eyes. Hindi na ako nagtaka sa sunod na lumabas sa bibig niya dahil kilalang-kilala ko na ang galawan nito. Lalo na pagdating sa kalokohan.
"So? Driver mo na ako ngayon? Sa gwapong kong ito ay gagawin mo lang akong driver? Ganiyan ka na ba kawalang-awa, Ayshia? Ni hindi mo man lang ba naiisip ang feelings ko?" halos naiiyak na niyang tanong.
Agad akong napalingon-lingon sa paligid namin at napansin ang nagtatakang tingin sa amin ng mga tao. Bago pa may masabing iba ang kaibigan ko ay agad ko na siyang hinila habang tatawa-tawa naman siyang nagpaubaya. He even took my baggage while I was pulling him until we made it outside the airport.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago! I think your face just got more thicker as time passes by!"
"Ouch!" At talagang nakuha niya pang ngumiwi nang lingunin ko siya. Sumusukong napabuntonghininga na lang ako.
Gosh, I cannot.
"Where's your car?"
He pointed a car from the left side so I walk towards there, still pulling him with me. Nang makarating kami sa mismong harap ng kotse ay pinatunog niya iyon bago ako pinagbuksan ng pinto. I silently slid myself inside the passenger seat while he placed my baggage at the back. Saka siya pumasok sa driver seat at tinignan muna ako kung suot ko na ba ang seatbelt ko. When we were both good to go, he just expertly maneuvered the wheel.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Ang mga nagtataasang gusali at magugulong bahagi ng syudad ang bumungad sa akin. Unlike in New York, our country is oozing with hotness, literally. Kapansin-pansin iyon kahit nasa loob ako ng sasakyan. At nang makarating kami sa bandang EDSA ay hindi na ako nagtaka nang maipit kami sa trapik doon.
Habang mahinang umaandar ang sasakyan ay nilingon ko muna si Xian na pasensyonadong nakatuon ang atensyon sa harap. Nang magdesisyon akong umuwi ay agad itong nagtanong kung kailan iyon dahil siya raw ang susundo sa akin. I also told him not to tell anyone about my plan, not even Lezzana or Nicho.
BINABASA MO ANG
A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)
RandomA sequel of puzzled road in the midst of darkness. Will truths reappear as the turning point flower? ___ Is he really dead? That question popped inside Ayshia's head the moment she had known that there's no Azlan Zephyrus Vergara in the cemetery wh...