Kabanata 9

87 3 0
                                    

Mahal na Mahal

Rinig ko ang kaluskos mula sa kinatatayuan ko. I inserted my left hand to the hole of my blouse as I did the same with the other one. Sinuot ko rin ang pajama na siyang pantulog ko. After doing my routine, I then crawled to my bed where my laptop is located.

Nang hinarap ko iyon sa akin ay bumungad ang kunot noong mukha ni V. Behind her is Canix who is currently massaging her shoulders. Pero nang makita ako ng babae ay agad niyang pinaupo sa tabi niya ang kaibigan ko na sumunod din naman. I smiled with that.

They look so good together.

"Now, let's talk. Alam kong palalagpasin ito ni Canix, but not me. I was with him while your other friend called earlier. Naiirita ako, kasi bakit naman nagpunta ka pa roon, Ayshia? You know that this whole thing is one sided! Sana hindi mo na lang kinausap ang tita mo," sunod-sunod niyang bato ng salita na ikinatawa ko nang mahina.

Ang palaging matalim na nitong tingin ay mas lalong tumalim dahil sa ginawa ko. Agad kong natuptop ang sariling labi pero kumakawala pa rin doon ang isang ngiti. I know that she is just worried about me... and I'm so happy that I can't even contain it.

I was ready to go to bed earlier after doing my reports and fixing some issues regarding the resort. Maliliit lang naman ang mga iyon kaya agad kong natapos pero nang akmang magbibihis na ako ay tumunog ang laptop ko para sa isang facetime. The couple is still supposed to be on their honeymoon right now, but Xian's mouth really just won't shut up.

Sinabihan ko na ito bago ako umalis kanina sa opisina niya na huwag sabihin kay Canix ang nangyari. Alam kong madaldal ang kaibigan ko kaya inunahan ko na pero ang loko ay hindi man lang pala nakinig sa akin. Ayos lang sana kung si Canix lang ang makaririnig nang sasabihin niya dahil alam kong pag-iisipan nito ang gagawin bago ako komprontahin.

He was always gentle despite the reigning darkness inside of him, unlike his wife, V. Walang sinasanto ang babae kaya hindi pa man lumilipas ang isang araw ay ito na siya at pinagsasabihan ako. I can't even get serious, nor did I feel anything towards what happened in Tita Anemone's house anymore because of her.

"It's fine. I need a proper closure about what happened before in the past. I need it to completely move on. Alam ko namang hindi magiging madali lalo na at nasa iisang lugar kaming dalawa---"

"And that's what makes it more complicated! See?! Ni hindi mo sinabi sa amin na nasa iisang lugar kayo kung hindi lang tumawag si Xi! Ano nang gagawin mo ngayon, ha?" masungit pa rin ang mukhang tanong niya sa akin.

Canix kissed the side of her head to calm her down. Pero hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa akin. Hindi niya rin nilingon ang katabing asawa dahil sa ginawa nito kaya napanguso na ang kaibigan ko. He is so whipped.

"Iiwas, syempre. Kung kinakailangan man na magkita kami ay magpapasama ako. Hindi kami puwedeng maiwan mag-isa para hindi rin sa kaniya matuon ang atensyon ko," simple kong sagot. Nagkibit-balikat pa pero mas lalo ko atang pinainit ang ulo niya dahil mas lalong sumama ang titig niya sa akin.

Napalingon ako nang bahagya sa likod ko. Baka lang kasi ay hindi ako ang sinasamaan niya nang tingin at may nakikita pala siyang hindi ko naman nakikita. Nang wala namang mahagip ang mga mata ko ay ibinalik ko rin iyon sa harap.

"What the--what?! Gosh! What you need right now is not a proper closure! Batok ang kailangan mo ngayon! Batok! Tanga ka ba?!" inis niyang balik. Imbis ma-offend ay natawa ulit ako.

Nang makilala ko siya sa New York City ay alam ko ng hindi talaga malambot ang mga salita niya. She is a hardcore type, and so is her words. Nasanay na rin ako sa kaniya kaya ngayon ay natatawa na lamang ako.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon