It Ended Right
We got wedded in Agape Beach Resort in 1st of December. Lahat nang nangakong dadalo sa kasal naming dalawa ay nakapunta. Even his biological mother with her husband were there to support us. It was one of my best day, especially, when Azlan's memory came back at that same day too.
We never really hoped for his memory to be back. Ang plano namin ay gumawa ng mga bago at masasayang ala-ala pero bumalik iyon. It came back at the most unexpected time. Pero kahit bumalik na ang mga ala-ala niya noon ay patuloy pa rin kami sa paggawa ng mga bago. Ng mga bagong ala-ala na puwede naming dalhin hanggang sa pagtanda naming dalawa.
"What?! You are pregnant na?! Really, Peony?!" Natawa ako sa reaksyon ni Jona pagkatapos kong sabihin dito ang balita. Marahan kong hinaplos ang tyan kong manipis pa naman saka napasandal sa headboard ng kama.
Azlan's out because I wanted him to. We just learned that I'm four weeks pregnant already. Iyon ang rason kaya nitong mga nakaraang araw ay gusto kong naliligo lagi si Azlan. I always hate his smell because it smells like girls. Ayaw ko rin sa buhok niya kaya nagpagupit siya at tulad ngayon na ayaw ko siyang makita pero alam kong mamaya-maya rin ay iiyak ako kasi wala siya.
"Yeah. Ikaw ang unang nakaalam, ah? Huwag mong ikalat. Hayaan natin silang manghula pagkauwi namin," I said, chuckling.
We are still in the middle of our honeymoon. Balak kasi naming manatili rito sa Palawan ng two months pero dahil buntis na ako ay baka mapaaga ang pag-uwi namin ni Azlan. Lalo na at panay siya panicked. He doesn't know how to take care of me. Pero lahat ng kapritso ko ay sinusunod nito maliban lang sa hayaan akong mag-isa. He is overreacting, but its fine. I find it cute.
Nagpatuloy ang usapan namin ni Jona. Kinamusta ko rin sila ng boyfriend niya at nagtanong kung kailan nila balak magpakasal. Hindi nga lang ako sinagot nang matino. It was an hour talking with her until I got tired and hang up. Nakatulog ako at nang magising ay nasa tabi ko na si Azlan na mahimbing ding natutulog. His hands were inside my shirt, palming my tummy. Napahagikhik ako bago ito binigyan ng magaang halik sa labi.
Iyon nga lang dahil sa ginawa ko ay dahan-dahan na nagmulat ang mga mata niya. His black eyes meet mine and I smiled at him cutely.
"Hi. I miss you po," I murmured, pressing another kiss on his lips.
Hindi nga lang ako nakawala agad nang ipulupot niya pa ang isang kamay sa bewang ko. I crashed softly on his chest as his lips lingered on mine longer. Nang maghiwalay ang labi naming dalawa ay bahagya na akong hiningal. Napanguso ako sa kaniya bago nakapikit na idinantay ang ulo ko sa braso niya.
"I'm not smelly anymore?" he asked. I sniffed him and shook my head.
"You smell like Azlan Zephyrus Fortalejo, sir. Ang bango-bango mo po." He chuckled at my ear.
"Uh-huh. So, dito ako matutulog mamayang gabi o sa sala pa rin?" Bakas ang pang-aasar sa tono ng boses niya kaya natawa na lang din ako.
"Sa tabi ko po," mahina kong sabi. Sumiksik lalo sa kaniya.
Alam kong nahihirapan ito panigurado sa mga desisyon ko ngayon habang buntis ako. But he is still understanding as ever. Kahit pinapatulog ko siya sa sofa ng villa o kahit sa sahig ng kuwarto namin ay hindi man lang siya nagrereklamo. He would just smile and do what I say.
Azlan Zephyrus before has always a limit in what he needs to say or what he needs to show to me. Dahil na rin siguro sa sitwasyon namin noon. Pero ngayon ay parang binawi niya lahat ng taong nagkulang sa amin. He is doing all the things he needed to do right now as my partner. At ganoon din ako. I was never showy to anyone. Hirap akong ipakita sa isang tao na gusto ko rin itong makasama at mahal ko ito, pero dahan-dahan ay tinuruan ako ni Azlan kung papaano.
BINABASA MO ANG
A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)
RandomA sequel of puzzled road in the midst of darkness. Will truths reappear as the turning point flower? ___ Is he really dead? That question popped inside Ayshia's head the moment she had known that there's no Azlan Zephyrus Vergara in the cemetery wh...