Kabanata 24

79 2 0
                                    

Realization

I laid the breakfast I cook in my table. Pagkatapos ay inabot ko ang telepono na nasa mesa. The ongoing call with Jona flash on the screen of my phone when I opened it. Nang masigurado na nasa kabilang linya pa rin siya ay in-off ko iyon at inilapag ulit sa mesa.

"So? Bakit kayo magkasama? Nagtago ka lang ba para sa wala?" sarkastiko niyang tanong. Natawa ako nang bahagya roon habang kumukuha ng plato at kutsara para sa sarili ko.

"I tried to hide, alright? Nahuli niya ako and he blackmailed me--"

"How about the one you said that the two of you were in the beach in the afternoon?" tunog nang-aakusa na agad ang boses nito. Hindi ko napigilang mapailing dahil doon.

"It was just a coincidence. Alam mo naman na kada hapon talaga ako naliligo ng dagat. It just happens na nandoon din siya. End of story!" I clapped my hands thrice before scooping some rice to placed in my plate.

"Umiiwas ka ba talaga o...?" Napahalakhak ako.

"O, come on, Jona! It is nothing! Aalis din ang lalaking iyon dito. He is not with his fiancée kaya paniguradong uuwi rin siya agad."

And of course, I'm lying right now. Walang bakas na uuwi agad si Azlan sa Manila kapag itinulak ko siya papalayo. Sa sinabi niya pa lang kahapon ay nanayo na lahat ng balahibo ko sa katawan. Napabuntonghininga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para umalis siya, o ang layuan man lang ako.

And damn me for being happy! Hindi man makapaniwala sa lahat nang ginagawa at sinasabi niya sa akin ay hindi maitatangging nasisiyahan ako sa narinig galing sa kaniya. Which is so wrong! I can't be happy with his decision! Lalo na at may isang tao kaming sasaktan sa pagiging makasarili namin.

"Siguraduhin mo lang, Peony. Wala na ako rito sa Palawan bukas kaya dapat lang talagang magtino ka. Don't lose yourself for an another man again. You knew from the very start that sometimes love just ain't enough for two people to stay together. Kahit anong gawin mo kapag ikaw na ang nasira, wala ng klase ng pagmamahal ang kayang bumuo ulit sa iyo. Kahit pa ang pagmamahal niya iyon," she uttered softly.

Marahan akong tumango kahit hindi niya ako nakikita. I am very much aware of that. Kaya nga ako lumalayo, kaya ako dumidistansya dahil sa katotohanang iyon. Even if we did love each other, still, it isn't enough for broken hearts. Especially to a heart that has been broken over and over again.

Jona changed the topic after that. Ikinuwento niyang excited na raw siya sa bagong assigned location sa kaniya. Of course, she is. Lalo na at hindi natuloy sa Ilocos ang assignment niya dahil sa biglaang pagbabago sa desisyon ng kanilang Superintendent. Now, she is placed in Cavite where her boyfriend also lives. Napatili pa ako kanina nang sinabi niya ang magandang balita na iyon. I don't mind not seeing her in Palawan anymore if she could stay with the love of her life in the end.

"Lock your door and windows all the time, okay? Tapos huwag kang lalabas masiyado kapag gabi. Palawan is at peace, yeah, but that doesn't assure anything at all. Kailangan mo pa ring mag-ingat. Well, I guess, even without my presence, someone would still look after you there." Napamaang ako sa sinabi niya. Natauhan lang ako nang marinig ang mahina niyang tawa.

"Natigilan iyan, girl?" nanunuya niyang tanong sa akin. I groaned.

"You know, what? I guess losing your presence here is not that bad! Wala nang mang-iinis sa akin!" ganti kong sigaw na mas lalong ikinalakas ng tawa niya.

Pareho nga lang kaming natigilan dalawa nang may malakas na kumatok sa pinto ng bahay ko. Sa sobrang lakas ay rinig na rinig niya rin iyon sa kabilang linya. The person behind the door didn't stop in knocking even after my silence. Tila desidedo talaga iyong mapagbuksan.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon