The Untold Part

91 3 0
                                    

Azlan Zephyrus Fortalejo

I remember waking up without knowing my own name. The people surrounding me were unknown to me. Lahat sila kahit anong pilit kong pag-alala ay blangko sa pagkatao ko. My existence even, was full of void to me. And then, a woman who introduced herself as my godmother pushed a woman towards me, stating that she is my mother.

Ruth Ann Fortalejo was an alien to me. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ang nagpakilalang ninang ko ay madalas kong naririnig na umiiyak kapag akala nito na natutulog na ako. I remember having my migraine every time she smiles at me sweetly. Naging dahilan iyon kung bakit minsan na lang itong nananatili sa hospital. The only one whose staying beside me always is my mother.

"Who's my father, mom? I haven't seen anyone who looks like my father. Tanging asawa mo lang ang nakikita ko."

Habang inihahanda ang pagkain ko ay naitanong ko iyon sa ina na agad natigilan. Marahan niyang ibinaba ang tray ng pagkain sa tabi ko bago ngumiti sa akin.

"Well, it's a bit complicated. I have done so many bad things in the past, and I... I was a rebel. Gabi-gabi ay iba't iba ang mga lalaki ko hanggang sa nabuntis ako." She laughed, but I can sense the discomfort in her voice. Napakurap-kurap ako dahil sa kuwento niya sa akin. At kahit hindi niya sabihin ay tila alam ko na ang sagot sa sariling tanong.

"It's fine, mom. Huwag mo nang sabihin." Nagkibit-balikat ako. Hinarap ang pagkain ko bago iyon sinimulan na kainin. Nang mag-angat ako nang tingin sa ina ay namumungay na ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Then she smiled at me genuinely before nodding her head.

"Pinalaki ka niya nang maayos," aniya. I stilled at that. My forehead creased by what she meant by her words but my mother stayed silent.

Hindi ko kailan man na pinagtakhan na ina ko siya dahil kuhang-kuha ko ang mga mata nito. My black eyes resembles hers that I can't even deny the fact that I came from her. Hindi kami magkamukha dahil paniguradong nakuha ko sa ama ang mukha ko pero ang mga mata niya ay talagang tulad ng akin. The only difference is that she hides the emotions behind those orbs, and mine wasn't.

Nanatili ako sa hospital ng ilang linggo at doon ko nakilala ang isang nurse. She is Shaira Nessia. A beautiful Filipina woman. Palagi akong nakatitig dito lalo na sa mga mata niya. In my mind, I call her Shia because of her name. Hindi ko alam pero nang marinig ko ang pangalan niya at nakita ang mukha nito ay iyon agad ang naisip ko.

"I'm Azlan, you are?" naitanong ko nang sa wakas ay nagkatabi kami sa isang upuan dito sa harden ng hospital. I already knew her name, but I know that it would sound creepy if I suddenly call her with it.

Matamis na ngumiti sa akin ito. Her chinky eyes squinted more when she did that. Napakurap-kurap ako dahil may biglaang pares ng mga mata ang pumasok sa isipan ko. Those eyes were beautiful too. And it made my heart pump blood faster than I expected it to be.

"Shaira Nessia. Matagal na kitang napapansin dito sa hospital. You are not discharge yet?" Marahan akong umiling sa kaniya. Nakamot ko ang batok bago sumagot.

"My mother said that I'll stay here until I'm truly stable." Nang tumingin ako sa kaniya ay nahuli ko siyang nakatitig lang sa akin. Natigilan ako hanggang sa natawa siya nang mahina.

"Sorry. Your eyes are just so pretty."

After that day, we started talking. Kapag nagkikita kami sa harden ng hospital kapag nagpapahangin ako ay madalas na naming hindi mapansin ang ibang tao sa paligid. Our attention were always at each other. Marami akong bagay na nalaman tungkol sa kaniya at kada nagkikita kami ay sinasabi ko rin ang nangyayari sa akin.

I always love it every time she smile. How she look at me, and even talk. Kahit kapag kasama ko siya ay tila may lumalabas na imahe ng ibang babae sa isipan ko ay nagpatuloy pa rin ako sa pakikipaglapit dito. Hanggang sa nagpaalam akong manligaw sa kaniya. She said yes and that is where my moves upgraded. Madalas akong magbili sa ina ko ng bulaklak o mga pagkain bago siya pumunta sa hospital para lang may maibigay ako kay Shaira.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon