Destruction
"Dito na lang kayo matulog ngayong gabi. May kuwarto pa naman na available. Paniguradong pagod na kayong dalawa kaya hindi ko kayo hahayaang basta-basta na lang na babyahe. I won't take no for an answer, Lez, Nicho." Lingon ko sa magkasintahan na nagkatinginan na lamang pagkatapos nang sinabi ko.
Lezzana even look away, her face is flushing for some unknown reason. Si Nicho ay nilingon ako bago bahagyang ngumiti.
"Okay, then."
I sighed before looking forward the path we are taking. Nakaagapay sa akin si Xian na abala sa cellphone niya. He is probably trying to contact AC's parents. Iyon kasi ang sinabi niya sa akin kanina. Sasabihin na raw niya sa mga ito na alam na niya ang totoo. Slowly, my hand reach for my chest where my heart is located. Nakatataka talaga.
Love is such a mystery.
Hindi ko alam kung bakit si Azlan pa rin ang gusto ko. Why am I still into him when the heart inside my chest isn't mine? Dapat ata ay kay Xian na ako magkagusto at malunod dahil ang pusong nasa loob ko ay ang puso ng babaeng nagmamahal sa kaniya nang sobra. And yet, my feelings for the man I had love before is just growing stronger and thicker as time passes by.
Hindi nababawasan pero napupunan.
"You sleepy already?" Xian asked. Tapos na ito sa ginagawa nang lingunin ko. I shook my head at him.
Hindi naman ako napagod masiyado kanina. Nakapagpahinga pa nga dahil nahimatay ako. I ain't tired physically, but my emotions right now isn't stable. Parang sasabog na naman ang kalooban ko. Hindi ko naman kasi nailabas lahat. There is still a pile inside me that I cannot let anyone know. Hindi ko kayang ilabas dahil wala akong lakas na may makaalam.
"Bakit kahit alam mong huli na ay umaasa ka pa rin? Why is love so complicated, Xi? Hindi ba puwedeng kapag mahal mo ay mahal ka rin? At kapag mahal ninyo ang isa't-isa ay iyon na? Kayo na hanggang dulo..." pahina nang pahina kong sabi. Sapat na para marinig niya at hindi makarating sa tainga ng ibang kasama namin.
"Umaasa ka pa rin ba? Siya pa rin ba?" mahina niya ring tanong. Ang boses ay puno nang simpatya. Bumuntonghininga siya. "I guess, I can't say anything about that matter too. Dahil kahit ako ay siya pa rin, Shia. Pero kasi minsan kahit alam mong huli na at hindi na puwede ay mananatili ka pa rin. Humans has natures of hoping for something they can't have. We humans, love to hope for something that we would love to have even with just ten percentage of getting it granted. Ganoon tayo eh. Kapag ang puso na natin ang umibig, kahit ata patay na ay aasa ka pa ring makasama mo siya. But we should also be reminded how some love aren't all about having what you want, but also letting go of what you have held unto. Dahil minsan tayo ang dahilan kung bakit nagiging kumplikado ang pagmamahal dahil ginagawa nating ganoon kahit simple lang naman sana ito. We just have to love, let go when needed, and love again when the right time comes."
A tear fell from my eye. Sumunod din ang mga mata ko sa dalawang taong maghawak kamay na naglalakad sa dalampasigan. Kahit sa malayo ay sapat na para malamang masaya sila sa isa't-isa. Sapat na para malamang kahit anong gawin ko ay hindi na ako makasisingit pa.
Sumuko na ako eh. Sumuko na ako pero hindi ko pa rin maiwasang umasa. Pero iyon nga lang ba ang problema?
Masaya na siya ngayon. He is well. He might have lost his memories but he is fine. May babae na siyang papakasalan na mahal na mahal siya. Hindi ko na kailangan pang mag-alala. Hindi ko na kailangan pang sisihin ang sarili ko.
When he told me that he had an accident, I remembered my mother telling me in the past that it happened. It happened because he wanted to go to me. When he told me that, at the back of my mind when I hope that he was here because of me, I really meant it. Umaasa ako na baka kahit wala ang ala-ala niya ay ako pa rin ang laman ng puso niya. I hope that even for just a tiny bit, that he remembers why this place is in his dreams. Kahit kaonti lang.
BINABASA MO ANG
A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)
RandomA sequel of puzzled road in the midst of darkness. Will truths reappear as the turning point flower? ___ Is he really dead? That question popped inside Ayshia's head the moment she had known that there's no Azlan Zephyrus Vergara in the cemetery wh...