Azlan Zephyrus Fortalejo
"What do you think? Masarap ba ang cake, love?" nakangiti kong tanong kay Shaira na nakatulala sa pagkain niya. Inangat ko ang sariling kamay bago iwinagawayway iyon sa harap ng mukha niya dahilan para mapabalik siya sa kasalukuyan.
"Are you okay? May masakit ba sa iyo? Are you sick? Do you want to go home now?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Mas lalo lamang na lumala ang nararamdaman kong pag-aalala ng hindi siya sumagot agad.
My fiancée shook her head before eating the cake in front of her. Tumango-tango siya nang malasahan iyon pero kapansin-pansin ang pagkatamlay niya. I have noticed it ever since Ayshia Montreal left the resort. Hindi ko na rin sinubukan pang alamin kung saan ito nagpunta. I focused my attention on our upcoming wedding instead. Pero sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong lumalala si Shaira.
She sometimes forgot our plans. Ni hindi siya nakapunta sa wedding designer ng mga damit namin para sa sukat ng katawan niya. Kahit sa pagpa-plano para sa kasal ay wala na rin sa isipan niya. Ramdam kong may mali pero nagbulag-bulagan ako roon. I just want to do things right now. Wala na rin namang saysay ang lahat. Besides, I already asked her hand for marriage. Ayaw kong umatras dahil wala namang rason para gawin ko iyon.
"The cake is good," aniya. Bumuntonghininga ako bago hinuli ang mga kamay niya. She got startled by that. Napalingon siya sa akin, bahagyang nakaawang ang kaniyang mga labi.
"P-Phyrus?"
"Are you really alright, love? Ilang araw ka ng wala sa sarili mo? May gusto ka bang sabihin sa akin? Problems? So we can think of any solutions if ever?" Nagulat ako nang bumitaw siya sa pagkahahawak ko. Its the first.
Tumayo siya sa kinauupuan bago kinuha ang sling bag niya na nasa mesa. She wore it that made me stood up. Nang tumalikod siya at nagsimulang maglakad ay napaharap ako sa mga taong naghanda ng mga cake. I bid my goodbye to them and just choose the cake that seems to be on our favor. Pagkatapos ay humabol na ako kay Shaira pero paglabas ko sa restaurant na kinalalagyan namin ay wala na siya. I look for her in the parking lot but she is nowhere to be found.
I sent her a text but she didn't reply. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Sa huli ay sumuko na lamang ako at nauna nang bumalik sa resort. But she didn't go home that night.
Nang bumalik siya kinabukasan ay gusto kong magbulag-bulagan ulit. I just don't want to hurt her. Gusto kong tuparin ang mga pangako ko sa kaniya. I know my heart would learn to love her fully. Hindi man ngayon pero baka dumating din ang araw para roon. I asked to marry her, I need to man up and own it.
"Ngayon ang schedule mo para sa measurements, right? Do you want me to come with you--"
Napakurap-kurap ako bago napayuko sa inilahad ni Shaira sa akin. My mouth hanged open when I realized what it was. Hindi ko iyon tinanggap kaya siya mismo ang umabot sa kamay ko. Nakakuyom iyon, ayaw kong buksan pero marahan niya lamang iyong hinaplos. I painfully looked at her and shook my head, but she smiled at me tiredly.
"It won't work, Phyrus. Kahit anong gawin natin ay hindi gagana ang lahat."
"Gagana ito, love. We just need to work for it. You are willing, right? You love me, right? Love, para sa iyo ito. I am willing to marry you..." Nailagay niya sa kamay ko ang engagement ring na binigay ko sa kaniya nang mag-propose ako pero agad kong hinuli ang kamay niya. I tried sliding in the ring but she retreated her hand immediately.
Napayuko ako. Ramdam ko ang panggigilid ng mga luha sa mata ko. I am not breaking for my own, but I am breaking for this woman in front of me. All she did was to take care of me, love me for who I am and yet, I am hurting her now.
BINABASA MO ANG
A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)
RandomA sequel of puzzled road in the midst of darkness. Will truths reappear as the turning point flower? ___ Is he really dead? That question popped inside Ayshia's head the moment she had known that there's no Azlan Zephyrus Vergara in the cemetery wh...