Kabanata 11

81 3 0
                                    

Like Stones

"Ang guwapo ng boyfriend mo, Ayshia! At ang gentleman niya!"

To give proof to Shaira Nessia's word, Xian called for my attention while he was talking with Azlan. Halos pandilatan ko na siya ng mga mata pero hindi talaga niya makuha ang nais kong iparating. This is the reason why I hate being with him. Para akong nag-aalaga ng mga bata, ng mga pasaway na bata. Ang pinagkaiba lang ay lahat ng mga batang iyon ay nasa katawan ng isang tao.

"Gusto mong magpa-reserve ng gatas para mamayang gabi? You can't drink alcohol this time, princess. I saw your refrigerator. Isusumbong kita kay Canix, sige ka." Hindi ko napigilang umirap.

I know what he is trying to pull off but we really looked stupid right now. Anong silbi nang ginagawa niya eh wala na nga? Aatras na nga ako sa laban eh.

"Fine. One glass. Iyong mainit-init pa. Ikaw ang kukuha mamaya, ah?" napipilitang tugon ko pabalik dahil alam kong hindi niya ako titigilan. His upper lips curled for a grin as he agreed with me.

"Gatas? Nanggagatas ka?"

My heart suddenly had a palpation. Dahan-dahan kong nilingon ang nagtanong na ngayon ay titig na titig sa akin. His black orbs found mine as I tried my best to act natural in front of him. Pero tila naumid naman ang dila ko kaya walang lumabas na kahit ano sa bibig ko.

With that, I kicked Xian's knee softly under the table. Tila naintindihan niya naman dahil tumikhim siya.

"She drinks milk before sleeping. Madalas kasi ay hindi siya makatulog dati noong may sakit pa siya kaya ay nanggagatas. It stop when she got healed but I can't let her drink alcohol now. Kaya balik gatas ulit," sagot nito na walang kahirap-hirap. Nakahinga ako nang maluwag doon.

Iniwas ko na ulit ang tingin ko kay Azlan na ngayon ay tumahimik na. But that is what I thought.

"My girl loves drinking milk too before she sleeps. Right, love?" I slid him a longing look as he stared at the woman beside me. Parang isang malaking hampas nang alon ang namumungay niyang tingin dito. By the looks of his face, he seems so in love with her.

I can't ruin this... not this.

Tumawa si Shaira at bahagyang sumang-ayon sa sinabi niya. Habang ako ay hindi man lang nagawang ngumiti sa kanilang dalawa.

Nagpatuloy ang usapan hanggang sa dumating ang mga pagkain namin. I didn't talk any longer. I was mute until we were done with our foods. Si Xian na ang nagpaliwag para sa akin kung bakit natahimik ako bigla. I'm thankful that Shaira didn't push through it. Tila may sarili rin itong iniisip kaya pareho pa kaming tikom ang bibig hanggang sa paglabas sa restaurant.

Xian held unto me. Hinila ako nito nang muntik na akong mabangga sa isang tao. That person accidentally held my right shoulder to stop my body from bumping into his. Nang inangat ko ang tingin ay agad din akong napaatras. Hindi na binigyang diin pa ang biglaang pagkunot ng noo niya.

"Mauna na kami sa inyo. Have a great night, guys!" Si Xian na talagang inakbayan na ako para hindi mapunta sa kahit saan.

"Have a great night too..." His rough voice greeted back as I felt his heavy stares on me. Kahit gusto kong tumingin pabalik ay hindi ko ginawa hanggang sa tuluyan na kaming makaalis sa harap nila.

"I'm sorry, princess. I just want to see if he will have some flashbacks regarding the past. Baka lang ay maalala ka niya at hindi naman pala talaga niya mahal ang babaeng iyon," mahinang bulong nang kasabay ko sa paglalakad. He handed me the cup of milk he was holding as he stared at the path we are taking.

I chuckled lightly, yet painfully too. "Hindi gagana ang ganoon, Xi. Kung gagana nga ay sana naalala niya na ako nang una kaming magkita. Sana naalala na niya noong gabing ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa pagmamahalan naming dalawa. I guess, this is just how fate really works. It's cruel, but still is legal in any way."

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon