The Untold Part

84 3 0
                                    

Azlan Zephyrus Fortalejo

Umiwas siya sa amin pagkatapos nang nangyari. Someone was also protecting her from talking with me. Akala ko ay magtatagal iyon pero dumating din ang panahon na pinili niyang sabihin sa akin ang lahat. She was so brave, telling me about the story we had in the past. Pero nasasaktan ako dahil sa huli, mas pinili niyang sisihin ang sarili.

Was it really just her fault? Dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko rin. Kasalanan ko dahil kinalimutan ko siya. Hindi ako matahimik dahil doon kaya mas pinili kong puntahan siya. It was awkward for the both of us to talk, but I wanted to have her own peace.

"I'm sorry that I forgot about you. I know the first time I saw you that there was something. I noticed your sadness even before and I was stupid not to even realize it. Akala ko panaginip lang ang lahat. That the woman in my dreams was nothing. Hindi ko alam na may babae pala akong iniwan na hanggang ngayon ay nasasaktan dahil sa nakaraan. I want to apologize for being a fool. I am sorry that I brought misery into your life when you could have marry s-someone else now. Alam kong sinabi mo na hindi ko kasalanan pero aminado ako, kahit hindi pa rin kita maalala na naging gago ako para kalimutan ka."

Napayuko ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung bakit parang hindi katanggap-tanggap ang sunod kong sasabihin sa kaniya. Is it really fine for her to move forward?

"Ayshia Montreal, if you must. Please, I beg you to start moving forward without me. Hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig na mayroon ka. Humanap ka ng lalaking kayang tapatan... no, find someone who can outran the love you have for him. I wish your happiness, miss."

Her tears fell and a glimpse of a blurred memory entered my mind again. I was standing beside a bed. May babaeng nakahiga roon at kahit hindi nakikita ang mukha ay alam kong umiiyak ito. And my heart keeps on clenching as time passes by that I was just staring at her, until I heard my own voice. My very own words.

"I'm here."

"Palagi akong mananatili. Sa kahit saan, sa kahit ano mang paraan. Palagi mo iyang tatandaan, Ayshia."

"When the whole world turned their back at you. Always remember, that I'm willing to turned my back to the whole world just to be with you."

Why am I always ready to be there for her? Nasapo ko ang sariling ulo hanggang sa mapasigaw ako dahil sa biglaang pagsakit nito. I wanted to remember everything already. Pero nang mas lalo kong pinilit ang sarili ay mas lalong lumala ang nararamdaman kong sakit. I can hear her panicking voice calling out for name. I tried to calm down. I need to. I held into her hand, not wanting to let go. Ayaw kong masaktan ko na naman siya dahil sa akin. And then everything turned to black.

Nagising ako pagkalaan ng ilang oras at may kung anong kumirot sa dibdib ko nang makita ang likod niyang gusto na namang lumayo. Bakit kapag ganitong may gulo ay siya palagi ang lumalayo? Bakit hindi ako? Ako naman ang sumira sa buhay niya. Ako ang dahilan kung bakit siya nahihirapan.

After that, I tried to act normal again. Nagpatuloy ang plano naming dalawa ni Shaira tungkol sa kasal pero hindi maipagkaiila ang distansya naming dalawa. For some reason, I lost the spark I always had every time she look at me. Na kahit ipilit ko at magpanggap ay parang may kulang. Parang hindi sapat. Dahil kahit itanggi ko ay may ibang presensya akong hinahanap. Even without my memories of the past, I was longing for someone I don't deserve to have.

"Are you alright, love?" Nag-angat ako nang tingin sa kasintahan na ngayon ay puno nang pag-aalala ang mukha. I nodded at her. Binigay ko sa kaniya ang yakult na binili ko.

I put all her favorites on my note because I was always itching to buy some vanilla flavored foods or drinks for her. Kahit alam kong hindi iyon ang mga gusto niya ay tila alam naman ng katawan ko kung para kanino iyon. Naninikip ang dibdib ko dahil hindi ko man lang siya nakita. Umalis sila nang maaga at kahit hindi puwede ay nalaman ko iyon dahil sa pagsilip ko sa kaniya.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon