Kabanata 15

97 3 0
                                    

Braveness

Tahimik kaming lahat sa loob ng sasakyan. Ako ang nasa driver seat dahil hindi naman nila alam kung saan kami pupunta. Xian was beside me while the couple was on the backseat. Nag-uusap sila nang tahimik doon habang si Xi ay ako ang ginugulo. Hindi talaga siya matahimik.

"Saan ba tayo pupunta kasi, Shia? May party ba? O kikidnapin mo kami?" Umirap ako. Wala talagang matino na maisip ang lalaking ito. Kung ako si Aizelle ay hindi ko na ito gugustuhin.

"Just shut up. Baka makarating pa tayo nang matiwasay sa destinasyon natin kung tatahimik ka," ganti ko. Tumawa lang naman siya sa akin.

He didn't disturb me after that so I eyed the road seriously. Hindi ko alam kung bakit kinakabahaan ako nang sobra. Canix wasn't able to go home because of V's pregnancy. Masiyadong maselan ang pagbubuntis ng asawa niya kaya kahit ilang weeks pa lang iyon ay hindi na muna ito puwedeng bumyahe. I recommended to not to either. And so because of Canix's absence, he only will call and instruct me for the things I need to do.

Hanggang ngayon ay takang-taka pa rin ako kung bakit nasa hospital si AC. Tho, something clicked in my mind. Baka nag-doktor siya o nurse. Maybe she was just here in the Philippines ever since, but, it is still confusing why Xian didn't found her. Kung nandito lang siya sa Pilipinas ay mas mapapadali ang paghahanap sa kaniya. Maliban na lamang kung palipat-lipat siya ng lugar. That would be a different case.

Mahina akong bumuntonghininga. I am anticipating for this moment to happen too. Gustong-gusto ko na rin makita ang kaibigan kong iyon. I miss her noise, the way she shine like the sun and the way she smiles, making everything seems okay. Paniguradong gumanda siya lalo ngayon. I can't wait to see her.

Habang nasa byahe ay nakipagpalit sa akin si Xian dahil baka mapagod daw ako. Itinuro ko lang sa kaniya kung saan dadaan pero hindi mismo ang destinasyon. He followed my instructions silently. Dumaan din kami sa isang fast food chain para bumili nang makakain habang nasa byahe.

While eating, my phone vibrated under my pocket. Kinuha ko iyon at nakitang numero ni Canix iyon. Ngumiti ako bago sinagot ang tawag.

"Malapit na ba kayo?" bungad niya sa akin. Bakas sa boses niya ang tensyon. Hindi ko na lamang pinansin iyon dahil baka tulad ko ay excited din siya na makita na ulit si Aizelle.

"Yep. Ilang oras na lang at makararating na kami. How's V?" I asked. Inuomang ko ang burger ni Xian sa kaniya habang ang akin ay nasa hita ko. He opened his mouth and eat it while I listen to Canix on the other line.

"She is alright. I apologize again for not being there. Basta kahit anong mangyari ay huwag kang lalayo kay Xian, Shia. After this, everything won't be normal again." Napakurap-kurap ako.

Of course it won't be! Babalik na si Aizelle kapag nagkataon. Magsasama na silang dalawa ni Xian. Everyone will be happy. It won't be normal because it is beyond normal to be complete again.

"Fine, Canix. Oh, we are here..." bulalas ko. "Xian, park the car in that hospital's parking lot." Itinuro ko ang Saint Vincent Hospital na ikinakunot ng noo niya.

"Anong ginagawa natin dito, Shia?" I heard Nicho asked. Nilingon ko sila sa likod. Kahit sila ay takang-taka ang mga mukha habang nakatingin sa hospital. Lezzana's mouth even parted when she saw where we are. I knew she remembered the hospital so much.

"You all will see," nakangiti kong sabi. Rinig kong tumikhim si Canix sa kabilang linya kaya naibalik ko sa kaniya ang atensyon ko.

Bumaba kami sa kotse lahat pagkatapos i-park ni Xian ang kotse. Nasa bungad na kami hospital nang i-on ko ang speaker nang tawag tulad nang utos ni Canix.

A Road To Azlan's Heart (Azlan's Heart Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon