Pagdating namin sa may beach..
Tila kami na lamang ang hinihintay dahil nandoon silang lahat.
“Yani, saan ka ba nagpunta? Ang tagal mo atang nagpahangin.” –sabi ni Michi na ang mga mata ay kay Akio nakatingin na nasa likod ko.
“Mich, akala ko ba napag-usapan na natin to kanina? –bulong ko dito.
“Okay, okay!
Nagpunta na ako sa tabi ni Yuichi. Hindi pa rin ako nito pinapansin.
“Hoy! Pansinin mo na ako!” –wa-epek pa rin ang pagpapacute ko sa mokong na ito. Bahala nga sya!
Lumapit ulit ako kay Michi.
“Uy, nung problema nung isang yun?” –sabay nguso kay Yuichi.
“Aba malay ko!”
Maya-maya pa’y nagsimula na ang fireworks display.
Ang gaganda!!
Napatingin ako kay Akio na katabi ni Ryota. Nagulat ako kasi nakatingin din sya sakin.
Nagbaba ako ng tingin..
“Uy!” –tinawag ko ulit si Yuichi pero ayaw talaga akong pansinin. Since tapos na yung fireworks tumayo na ako at nauna nang pumasok sa kwarto namin.
Naiwan pala dito sa kwarto yung cellphone ko. Chineck ko kung may bagong text.
Meron nga.
“10 new messages received”
Binuksan ko. Puro pangalan ni Yuichi ang lumabas.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...