“May gusto sana akong sabihin sa inyo. Tungkol sana kay Sir Hideaki. Di ba tinatanong nyo kung magkakilala ba kami tapos sabi ko ay hindi.” –panimula nito.
“Well, sa totoo nagkita na kami bago pa man tayo mag-apply sa Cafe Sweets.” –pagpapatuloy nito.
Tango lang ng tango sina Yani at Sandy.
“Una ko syang nakita nung first day natin dito sa Japan. Natatandaan mo Yani nung inaya mo akong kumain sa McDo? Nakita ko na si Sir dun.”
“Teka! Bat hindi ko ata alam yun? Madadaya! Bat hindi nyo ako isinama?” –kuwari’y nagtatampo si Sandy.
“Syempre! Ikaw kaya ang unang natulog nun. Malabo ka ng magising kasi himbing na himbing ka na, nag-i-snore ka pa nga eh kaya kami na lang yung lumabas.” –Yani.
“Tapos di ba Sandy nung Tuesday lumabas akong mag-isa?” –Michi
“Huh?” –blangko ang ekspresyon ng mukha ni Sandy.
“Nung laban ni Ryota! Yung sa Olympics. (-_-)”
“Ah oo, nanalo nga sya nun eh. Ang galing talaga ni Papa Ryota.” –excited na sabi ni Sandy
“Yun! Nung araw na iyon ay nakita ko ulit sya. Sa McDo ulit tapos nung pauwi na ako...” –parang maiiyak na si Michi.
“Bakit? Anong nangyari? Ginahasa ka ba nya?” –Yani.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...