“Waaaaaaahhhh!!!!! “
Nagulat sina Sandy at Michi ng bigla na lang itong sumigaw. Nasa may maliit nila itong living room kaya naman nagmamadali silang pumunta dito.
“Bakit anong nangyari?” –humahangos na tanong ni Sandy.
“S-si Akio!! Kumakanta!! Waaahh!!!” –kilig na kilig si Yani.
“PAMBIHIRA!! Kung makairit ka akala naming kung ano ng nangyari sayo, nakita mo lang pala si Akio. Grabe ka girl.” –Michi.
“Pasensya naman naexcite lang. Ngayon ko na lang ulit sya nakita eh.” –sabi nito pero ang mata’y waring nakadikit na sa screen ng tv.
Guest si Akio sa isang Tv station. Kumakanta ito ng “Someday for Somebody”
“Kyaaa!! Yung favorite ko!! Ang pogi nya talaga!!” –tili pa rin nito.
Nakapula ito na V-neck na damit at kulot ang straight nitong buhok. Nakatayo ito habang kumakanta.
Umupo na rin ang dalawa at nakinood.
“Mas bagay sa kanya pag kulot no?” –Michi
“Kahit ano naman bagay sa kanya..Hayyyyy.” –kulang na lang ay tumulo ang laway ni Yani sa paghanga kay Akio.
Pagkatapos ng kanta.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...