Chapter 25: Jelly Jelly

30 0 0
                                    

Bumalik na kami sa hotel at tama nga si Akio dahil halatang kami na lang ang hinihintay nila.

Tumingin ako kay Yuichi. Nakikipagdaldalan ito kay Hideaki.

(T_T)  Nasanay na akong kinukulit nya. Bakit ayaw pa rin nya akong pansinin? Nakakainis naman tong lalaking to.Basta basta na lang hindi namamansin. May dalaw?

(-_-)

Nagsimula na kaming kumain.

“Yani, gusto mo ba nito? –alok ni Akio nung fish fillet.

Tumango na lang ako pero deep inside gusto ko ng gumulong sa kilig.

“Yiehhh, ang sweet.” –pang-aasar nila maliban kay Yuichi na tuloy tuloy lang sa pagsubo.

“Dahan dahan lang baka mabulunan ka. Ano, patay gutom lang?” –naisipan ko itong biruin baka pansinin ako.

Pero as usual, deadma lang..

Bahala nga sya, ang arte arte! Kung ayaw nyang pansinan eh di wag. Hmmp! Nagmumukha lang akong tanga.

Tahimik ko na lang ipinagpatuloy ang pagkain..

Yuichi’s POV

Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi. Nasanay na kasi akong kakulitan si Yani.

Bukas nga kakausapin ko na sya..

6:30am ako nagising, pagkahilamos ay dumiresto agad ako sa kwarto nina Yani.

Kakatok na sana ako ng napansin kong nakaawang ang pinto. Marahan ko itong binuksan at napansin kong wala na si Yani sa loob.

Baka lumabas.

Hinanap ko sa may lounge area pero wala din.

Sinubukan kong puntahan sa may beach. Baka nagpapahangin dun.

Hindi nga ako nagkamali. Nandun nga sya.

Pero.......

Hindi sya nag-iisa. Kasama nito si Akio.

Siguro nga hahayaan ko na lang silang dalawa. Tutal si Akio naman ang gusto nya.

Naging over protective lang siguro ako kay Yani. Siguro nga hindi totoo itong nararamdaman ko. Dahil siguro wala akong kapatid na babae kaya naging malapit ako sa kanya. Feeling over protective lang ako na kuya.

Kahit hindi kami masyadong close ni Akio alam ko naman na mabuti syang tao at mapagkakatiwalaan.

[Back to Yani’s POV]

 

 

 

*ubo* ubo*

Nagdilang anghel nga ako! Nabulunan sya.HAHAHAHA

“Tubig! Tubig!”  -sabi nito habang hinahampas ang dibdib.

Bahala sya! Buti nga sa kanya. Hmmmp!

Si Hideaki ang nagbigay dito ng tubig. Maluha luha ito pagkatapos uminom. Nakonsensya tuloy ako.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon