Chapter 31: New Apartment

19 0 0
                                    

Alas otso ng umaga..

Nag-aayos na silang lahat ng mga gamit dahil maya maya lang ay uuwi na sila.

*tok tok*

Si Kasumi ang nagbukas ng pinto.

“Tapos na ba kayong mag-ayos ng gamit? Mamaya pagkakain tsaka na tayo aalis. Kain na muna tayo.” –Yuichi.

“Ah,sige! Guys, kain daw muna tayo.” –Kasumi

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang sila sandali at handa ng umalis.

“Sandy, Yani, Michi at Kasumi sakin na ulit kayo sumabay.” –Hideaki.

“Sige po” –sabay sabay na tugon.

“Teka Sir, bakit parang wala na si Akio?” –puna ni Yani na kanina pa palinga linga.

“Ah, maaga syang umalis, nauna na sya kasi may photoshot pa daw.”

“Ahhh”

Sa Hotel..

“Uy mga Sis, di ba kayo nanghihinayang na 30,000 yen ang ibinabayad natin dito monthly?” –tanong ni Michi.

“Syempre, nanghihinayang. No choice tayo eh. Buti nga may trabaho na tayo kung hindi matagal na tayong nakauwi sa Pilipinas.” –Sandy

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon