Chapter 49: Confession

1 0 0
                                    

"Michi, pwede ka bang mayayang kumain sa labas sa Linggo?" -tanong ni Ren.

"Okay lang, sige! Wala naman akong gagawin sa Linggo eh." -pag-sang-ayon ni Michi.

Mas lalo pang naging close sa isa't isa sina Ren at Michi. Nagiging madalas ang paglabas ng dalawa.

Pagdating sa bahay.

"Uy shopping tayo sa Linggo. Wala na akong bagong damit eh." -yaya ni Sandy.

"Hindi ako pwede, may lakad ako." -Michi.

"San naman ang punta mo aber?" -Sandy

"Lalabas kami ni Ren."

"Ay napapadalas na yan ha. Kayo na ba?" -tanong ni Sandy.

"Hindi no! Magkaibigan lang kami." -agad namang sabi ni Michi.

"Sus! Magkaibigan daw. Dyan nagsisimula yan! Sa magkaibigan lang kami."

"Ewan ko sayo!" -sabay bato dito ng unan. "Bat hindi si Ryota ang isama mo?"

"Ihh ayoko nga. Wala naman yung alam sa fashion ng babae eh."

"Tayo na lang dalawa ang magshopping, Sandy." -singit ni Yani. "Hayaan mo ng magkalovelife si Michi. Haha."

Araw ng Linggo..

Malapit ng dumilim ang paligid.

Matapos kumain nina Ren at Michi ay naglakad lakad muna sila sa park.

Matapos mapagod sa kalalakad ay umupo muna sila sa bench na nandoon.

"Si Michi yun ah." -pansin ni Hideaki na nasa may di kalayuan. Lalapit sana sya ng biglang...

"Michi, may sasabihin sana ako sayo." -panimula ni Ren.

Tumango lang si Michi.

"Hindi naman sa nagmamadali ako pero gusto ko lang sanang malaman mo na gusto kita. Gusto kita higit pa sa isang kaibigan. Michi, will you be my girlfriend?"

Matapos marinig lahat ni Hideaki ang pag-amin ni Ren ay bigla itong naglaho.

Pagkatapos namang makabawi ni Michi sa pagkabigla ay sinabi nya kay Ren, "Gusto rin kita, Ren pero bilang kaibigan. Sana maintindihan mo ako." -nalungkot naman si Ren sa sinabi ni Michi.

"Okay lang, Michi. Friends pa rin?"

"Friends!" -pareho na silang nakangiti.

"Sige, ihahatid na kita. Gabi na masyado eh. (^_^)"

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon