Mabilis na lumipas ang tatlong buwan. Normal lang ang naging takbo ng lahat. Pero hindi nila alam na ngayon mag-uumpisang dumating ang mga problema.
Naging busy si Akio sa kanyang mga schedules. Kaliwa't kanan ang mga projects nya dahil dito naging madalang ang pagkikita nila ni Yani. Naiintindihan naman ito ni Yani. Pero may mga tao talagang kasiyahan na ang manira ng iba. Dahil alam ng publiko ang relasyon nila, marami ang naninira sa kanila at pilit silang pinaghihiwalay lalo na yung mga fans ni Akio na naiinggit kay Yani. Isa sa mga rumors na lumabas ay ang pagkakalapit diumano ni Akio at ng leading lady nito na si Cassy. At ngayon habang nagdidinner ang magkakaibigan at bukas ang tv ay isang balita ang gumulat kay Yani.
"Isang aktor at aktres nakitang magkasama sa isang sikat na restaurant. Nakita ng isa nating mapagkakatiwalaang source sina Akio Ashikaga at Cassy Kawata na masayang masayang kumakain sa isang sikat na restaurant. Pero sa pagkakaalam natin ay may girlfriend na itong si Akio, break na kaya sila?"
"Di pa sila break no!" -sigaw ni Sandy ng marinig ang reporter na nagbalita sa tv.
"Wag mo na lang silang pansinin Yani. Di ka na nasanay sa kanila." -sabi naman ni Michi.
Tahimik lang si Yani at pinagpatuloy ang pagkain.
Lumipas ang isang linggo. Akala ni Yani na mamamatay din ang balitang iyong tungkol kina Akio at Cassy. Iniintay nyang unang tumawag sa kanya si Akio para magpaliwananag pero hindi ito nangyari. Hanggang ngayon nga ay may bago na naman. Kalat na kalat na ang litrato nina Akio at Cassy na magkasama. At kapwa pa nakangiti sa isa't isa. Ito ang litratong kuha sa restaurant na napabalitang nakita silang magkasama. Hindi napigilan ni Yani ang maiyak.
Sa paglipas ng araw ay lalong tumindi ang balitang hiwalay na nga sila. May mga fans na rin na umaatake kay Yani.
Habang naglalakad si Yani papuntang mall ay may humarang sa kanya na tatlong babae. Mag-isa lang sya dahil may kanya kanyang lakad ang mga kaibigan nya.
"Kawawa ka naman. Nagsawa na siguro sayo si Akio." -panimula nung isang babae.
Hindi na lang nya ito pinansin.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...