“Akio?” –si Akio? Anong ginagawa nya dito? Akala ko natulog na to? “A-ah ano kasi.. etong wallet nakita ko dun sa may batuhan. Sige! Baka sa iba to, sorry akala ko kasi sayo kaya hinabol kita.” –pagkatapos ay tumalikod na ako.
“wait! Sakin nga yan.”
Humarap ulit ako. “Ah ganun ba?” –sabay abot ko dito ng pitaka nya. “Nagpapahangin ako dun nung makita ko yan. Pasensya na, Sige alis na ako.”
“Bat ka ba nagsosorry? Dapat pa nga akong magpasalamat kasi binalik mo tong wallet ko” –sabi nito na nakangiti.
Waaahhhh kinakausap nya ako. Kung nananaginip lang ako mamaya nyo na ako gisingin!! Please! \(‘^’)/
“Ah eh... baka kasi isipin mong sinusundan na naman kita at magalit ka na naman sakin. Sorry nga pala dati ha, hindi ko naman kasi alam na—“
“Ah oo nga pala, Sorry dun sa inasal ko dati ha. Meron kasing mga fans na sunod ng sunod sakin hanggang apartment tapos pinipicturan ako ng hindi ko alam then ipopost nila sa internet. Naiinis ako sa mga ganun. Sorry, akala ko kasi isa ka sa mga yun. Sorry talaga.”
“Ah oo nga, may mga ganoon talaga. Nababalitaan ko nga sa internet na marami ng fans ang nag-e-stalk ng kanilang mga idol. Yung iba pinagkakakitaan pa yung mga picture na nakukuha nila tapos ibebenta sa ibang fans. Actually, fan mo din ako pero hindi ako stalker, matino ako. (^_^)”
Tumawa ito.
Ang sarap sa pandinig ng tawa nito…
*dug! dug! dug!*
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...