Tinanong nya ako kung bakit alam ko yung pangalan nya. Ang sabi ko narinig ko lang pero ang hindi nya alam….
Noong unang pagkikita pa lang namin ay sinabi na nya sa akin ang pangalan nya. Pagkatapos noon ay hindi na nawala sa utak ko ang pangalan nya. Ang weird! Lagi kong naririnig yung sinabi nyang “Ako nga pala si Yani” Parang sirang plaka. Sirang plakang naging dahilan ng malimit kong pagngiti tuwing maaalala ko yun.
Kaso nga lang may problema. Kagabi kasi habang nagkukuwentuhan kaming dalawa ay bigla na lamang sumulpot si Yuichi. Kitang kita ko na dumilim ang anyo nya. Seryosong seryoso ito.
“Ah wala naman akong natatandaang ginawang masama sa kanya. Ewan ko dun bigla na lang hindi namansin.” sabi yan ni Yani nung tinanong ko sya. Siguro nga hindi nya alam kung bakit nagkakaganoon si Yuichi pero ako alam ko.
Ayokong magkasira silang dalawa ng dahil sa akin. At ngayon nga ay napagdesisyunan ko na ako na lang ang lalayo. Hindi pa rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko dahil kakikilala ko pa lang kay Yani. At tsaka mas priority ko ang trabaho ko.
Sorry Yani kung hindi ko matutupad yung sinabi kong itu-tour kita.
Ganun naman yata talaga kapag celebrity ka. Hindi pwedeng sa isa lang ang puso mo, dapat sa lahat kasi kapag isa lang ang pinili mo, maraming masasaktan.
I admit that I like Yani the first time I saw her. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. At hindi ito love at first sight. Let’s just say, it’s an attraction. Kaya nga hangga’t maaga pa kailangan ko ng umiwas.
Bakit kaya ganun? Kung kailan nagsisimula pa lang, kailangan na agad matapos.
“Akio?”
Sa trabaho ko na lang talaga ako magfofocus.
“Akio!”
“HOY!”
Ang tawag na iyon ni Yani ang nagbalik ng diwa ko.
“Huh, bakit?”
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...