Chapter 35: Kapitbahay

5 0 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari ay nagpapasalamat sina Michi at Yani at madaling bumalik ang saya ni Sandy. Parang wala lang sa kanya kapag nakikita nitong magkasama o magkausap sina Ryota at Kasumi lalong lalo na pag pumupunta si Ryota sa Café. Pareho nilang hindi alam kung ano ang nasa isip ngayon ni Sandy pero ang mahalaga ay ang nakikita nilang okay na ulit si Sandy.

Sa kabilang banda, halos sabay namang dumating sa apartment ni Yuichi sina Akio at Hideaki.

“Oh, kanina ko pa kayong hinihintay ah. Buti naman sabay na kayong dumating.” –bati agad ni Yuichi sa mga ito pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto.

“An aga pa nga eh 5:30 pm pa lang, excited na excited ka naman masyado sa pagdating namin.” –Hideaki.

“Tama na ang satsat, pumasok na kayo. (-__-) –Yuichi.

“Si Ryota nga pala?” –tanong ni Akio.

“Nauna na syang lumipat. Kaso isang linggo syang mawawala, maghahanda ata para sa susunod nyang performance para sa Olympics.”

“Ah, ganon ba.”

“Sige, kayo na ang bahala dyan kung saan nyo gustong pumwesto. Tatawagan ko na lang kayo kapag dumating na yung pinadeliver kong pagkain.”

“Sige, Pare. “

“Parang nakita ko kanina sa kabilang bakod si Sir Hideaki.” –Sandy.

“Imposible yun. Baka guni guni mo lang. Malabong maligaw yun dito.” –Yani.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon