Chapter 27: Mouth to Mouth

22 0 0
                                    

[Sandy’s POV]

Si Kasumi nalulunod! (T_T) uwaaaahhh.. Kasumi!!

Nagulat ako ng dali daling lumangoy si Ryota papunta kay Kasumi.

“Ryota! Masyadong malalim doon!” –sigaw ni Sander.

Tuloy tuloy lang sa paglangoy si Ryota.

Waaaaahhh.. Ryota! Baka malunod ka din!

“Hihingi ako ng tulong! Nasan na ba ang mga life guards dito!” –si Akio.

“Sasamahan na kita” –Yani.

Bago pa makarating ang tulong ay nailigtas na ito ni Ryota.

Ihiniga nito si Kasumi na walang malay.

“Kasumi! Gumising ka! Kasumi!” –sigaw ni Ryota habang panay ang tapik nito sa pisngi ni Kasumi.

Hindi pa rin gumising si Kasumi. Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Ryota.

Hinalikan nito si Kasumi! (O_O) Ay hindi CPR pala tawag dun. Pero kahit na! Hinalikan pa rin ito ni Ryota ko! Waaahhhh..

Bigla akong nakaramdam ng inis. Habang sini-CPR nito si Kasumi ay panay din ang pump nito sa kanyang dibdib.

Sana ako na lang yun nalunod para ako yung hinalikan nya.

Ano ba tong naiisip ko! Kung malunod man ako, sure bang sasagipin ako ni Ryota?

TSK!

Naiinis na ako kay Kasumi! Ang tagal naman nyang gumising. Nakakarami na sya ha. Hindi na to pwede!

“Michi! Di ba marunong ka sa mga ganito? –tanong ko kay Michi. “Ikaw na lang ang umasikaso sa kanya, hindi naman marunong si Ryota eh. Hindi pa rin gumigising si Kasumi oh.”

Lumapit na si Michi at akmang bibigyan ng mouth to mouth si Kasumi ng biglang umubo ito at nagising.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon