Kinaumagahan...
"Yaniiiiiiiiiiii!!" -sugod ni Michi sa kwarto nila nina Yani at ginising ang natutulog na si Yani. Madaling araw na ito nakarating dahil na rin nga sa concert.
"Bakit ba ang ingay mo, ang aga aga pa eh." -reklamo ni Yani
"Bilisan mo, nasa TV ka!" -excited na sabi nito.
"Ano??" -napabalikwas naman ito at nagmadaling pumunta sa harapan ng TV.
Kalat na kalat na sa Tv ang balita tungkol sa kanilang dalawa ni Akio.
Ikinuwento rin nya sa dalawa ang nangyari kagabi. Kapwa kinikilig ang dalawa at hindi makapaniwala sa nangyari.
"Bongga ang lovelife ha! Instant sikat ka na din, sosyal! Di ikaw na ang nasa Tv." -naiinggit na sabi ni Michi.
"Di pa nga rin ako makapaniwala na nangyari yun."
Sa Café..
"Miss, diba ikaw yung nasa TV, yung pinakilala ni Akio sa concert nya." -sabi ng isang customer nila.
"A-ah eh ako nga. (^_^") -nahihiya pang sabi ni Yani.
Hindi alam ni Yani na talaga palang kalat na sa buong Japan ang tungkol sa kanya.
Kahit naglalakad sya ay may mga taong nakakakilala sa kanya. Mayroon mga natutuwa at mayroon din namang hindi.
"Hello? Bakit Akio"
"Ah sige pupunta ako.."
"Bye"
"Saan ka pupunta? Gabi na ah." -tanong ni Michi kay Yani.
"Ah magkikita kami ni Akio."
"Eh bakit hindi ka na lang nya sunduin dito?"
"Manggagaling kasi sya sa taping nya ng bago nyang drama. Kaya hindi nya ako masusundo."
"Ah sige. Mag-ingat ka ha."
"Sige."
"Yani!" -umaliwalas ang mukha ni Akio ng makita si Yani.
"Ano bang sasabihin mo Akio? Dapat sa phone mo na lang sinabi. Dapat kasi nagpapahinga ka na. Alam kong pagod ka pa sa taping mo." -nag-aalalang sabi ni Yani
"Gusto ko kasing sabihin ito sayo ng personal. Alam kong hindi pa tayo nag-uusap ng ayos mula ng mangyari yun." -panimula nito. "Pasensya ka na nga pala, alam kong nagulat kita at alam kong hindi mo inaasahan na sasabihin ko yun. Pero gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa mga sinabi ko sayo. Noong una hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Binalak ko na umiwas sayo habang maaga pa pero hindi ko rin kinaya. Gusto ko kita Yani. Mali, mahal na nga yata kita eh. I just want to know what you feel about it."
Namula naman si Yani.
"Fan mo nga ako diba, di ibig sabihin nun gusto din kita."
"Ang ibig kong sabih-" -Akio
"Oo alam ko ang ibig mong sabihin. Hahaha Ganito kasi yun. Alam ko kasi na mahirap kang abutin. Kumbaga yun ka (turo ni Yani sa langit) at eto naman ako (turo naman nya sa lupa). Sobrang layo ng pagitan natin. Ang tanging paraan lang para makalapit ako sayo ay ang maging fan mo. Yun lang ang tanging choice na meron ako. Nung sa wakas napansin mo na ako natuwa ako. Akala ko yun na! Na ang langit pwedeng mapalapit sa lupa. Pero kapag nakikita kita sa Tv naiisip ko na napakalayo pala talaga ng agwat natin sa isa't isa. Imposible, sabi nga nila. Hindi ko talaga inaasahan yung ginawa mo nung concert. It's a dream come true for me. Di mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. You made me believe in love. Sino ba naman ako para tumanggi sayo? Ako pa ba? Eh sa simula't sapul yun lang naman ang hinahangad ko. Ang pangarap ko. Salamat sayo. Sa tuwing magkasama tayo, tuwing ikaw ay nagiging si Sano pinaramdam mo sakin na hindi mahalaga kung ano ang estado sa buhay ng bawat isa para maging masaya. Walang pinipili si Kupido kung kanina nya itutusok ang pana nya. At masaya ako dahil nung tinusok nya sakin ang panang yun ikaw ang nakita ko. Mahal din kita Akio higit pa sa naiisip mo." -naluluha pero nakangiting sabi ni Yani.
Niyakap ni Akio sa Yani at hinawakan ang mukha nito. Pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata ang dahan dahang inilapit ang mukha nya sa mukha ni Yani.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...