Kinaumagahan ay takang taka sina Yani at Michi dahil paggising nila ay may luto ng pagkain.
“Gising na pala kayo. Kain na tayo!” –yaya ni Sandy ng mapansin na gising na ang mga kaibigan.
“Ikaw ang nagluto?” –manghang tanong ni Michi.
“Sino pa ba? Alangan namang nagluto kayo habang tulog. Syempre ako” –pamimilosopo pa ni Sandy.
“Wow, himala ng mga himala!! Maaga kang gumising ng dahil lang dyan? AMEYSING!!!” –kunwa’y asar ni Michi.
“Tse! Bilisan nyo malalate pa tayo eh.”
“S-sandy, about sa nangyari k-kaga-“
“Huh? May nangyari ba kagabi,Yani?” –maang-maangan ni Sandy.
“Wag ka na ngang mag maang-maangan. Gusto mo ipaalala ko sayo!”
“Hahayaan mo na lang bang mapunta si Ryota kay Kasumi? Give up ka na friend? “ –tanong naman ni Michi.
“Ano ba kayo? Maliwanag naman ang nangyari kagabi ah. Hindi na kailangan pa ng mahabang eksplanasyon. Sila na! Mahirap bang intindihin yon?” –pagkatapos ay tumayo na ito.
“Hala, nagwalk out. Okay na kaya talaga sya?” –nag-aalalang sabi ni Yani.
“Kaw kasi eh, pinaalala mo pa. Ewan ko, pero sa tingin ko pinipilit nyang maging okay.” –balik bulong ni Michi.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...