Chapter 46: This is it!

3 0 0
                                    

Nagtuloy tuloy na ang paglabas nina Ryota at Sandy. Napatawad na ni Ryota si Kasumi.

Bumalik na ulit sa normal ang lahat.

Sa kabilang banda...

Day-off ni Yani kaya inaya nya si Yuichi na lumabas at mamasyal.

Pumayag naman si Yuichi. Sabay silang umalis.

"Ano to?" -tanong ni Yuichi sa binigay ni Yani. Nakabalot ito.

"Buksan mo"

Pagkabukas.

"Wow! Ang ganda. Salamat!" -sabi ni Yuichi ng makita ang damit na bigay ni Yani na may design na drum.

"Di ba wala akong regalo sayo nung birthday mo? Iyan na yun. Super late na nga eh." -Yani

"Ano ka ba? Dapat hindi ka na nagbigay."- Yuichi

"Syempre, bestfriend kaya kita kaya hindi yun pwede."

"Sweet talaga ng bestfriend ko!" -sabay gulo ni Yuichi sa buhok ni Yani.

"Ay kainis, ang tagal kong nagsuklay ginulo mo lang." -mahinang suntok nito sa braso ni Yuichi.

"Okay lang yan, maganda ka pa rin naman."

"Tse! Oo nga pala, may concert si Akio, samahan mo ako." -pakiusap ni Yani.

"Iba na lang ang isama mo, mabobored lang ako." -Yuichi.

"May mga plano na sina Michi at Sandy eh, wala na akong maisama. Sumama ka na, tsaka libre na ang ticket no, humingi na ako kay Akio."

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon