Chapter 3: Malapit na...

64 1 3
                                    

"Ano ba? Tumigil ka na nga. Nakakasakit ka na ha", sabi ni Ryota

"Friend, tama na! tao yan!", awat naman ni Michi.

Bigla namang parang natauhan si Sandy at tumigil na sa paghampas sa lalaki..

"Naku, pasensya ka na.. " hinging paumanhin ni Sandy sa lalaki.

"psshhhh. Pasalamat ka hindi nabawasan ang kagwapuhan ko kundi ay naku!" naiinis na sagot ni Ryota.

 

hmmmp, ang yabang! pabulong na sabi ni Sandy.

Dahil madilim nga ay hindi nakita ni Sandy ang mukha ni Ryota. Pero si Ryota, aninag nya ang mukha ni Sandy.

“Makaalis na nga.. Kaya ka pala sadista kasi kulot ka!” nang-iinis pa si Ryota.

“Ikaw bubwit ka!!!!” asar na si Sandy pero nakalayo na si Ryota kaya hindi na nito narinig pa ang sinabi nya.

“Uy! Asan na ba si Yani? Kanina pa syang nawawala, “ –Michi

“Ay oo nga pala, Naku patay tayo dun, tiyak na nag-aalburoto na yun sa galit.” –Sandy

Sa kabilang banda...

 

“Ano na? Bakit parang paikot-ikot lang tayo dito?” naiinis na si Yani.

“Eh ayaw mo pa kasing dumaan dun! Yun na lang choice natin.” turo ni Yuichi sa mas nakakatakot at makipot na daan.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon