Chapter 40: Confrontation

6 0 0
                                    

Napagpasyahan ni Sandy na wag na munang aminin kay Ryota dahil inaalala nito ang mararamdaman ng binata. Kinausap rin nya sina Michi at Yani na wag munang sabihin kahit kanino ang kanilang mga nalaman at pumayag ang dalawa. Pero…

Isang hapon, habang naghahanap silang tatlo ng makakainan…

“Teka, si Kasumi ba yun” –turo ni Michi sa babaeng nakatalikod na nakakapit ang kamay sa braso ng kasama nitong lalaki.

Sinundan nila ang mga ito hanggang pumasok sila sa isang restaurant. Nag-itsura silang parang mga detective na sinusubaybayan ang isang suspek.

“Mam, here is your menu.”-sabi nung lumapit na waitress at binigyan sila ng tig-iisang menu. Doon sila sa medyo malayo kina Kasumi naupo.

“Okay, tatawagan ka na lang namin pag oorder na kami.” –sabi ni Sandy.

Pinantakip nila ang menu na ibinigay ng waitress sa kanilang mukha at mga mata lang ang nakalabas para subaybayan sina Kasumi.

Pagkaorder ay kumain muna sila pero ang mga mata ay nakatutok pa rin sa binabantayan.

“Teka, tumayo si Kasumi. Sundan natin bilis!” –sabi ni Yani at nagmamadali silang tumayo para sundan si Kasumi na papuntang CR.

Pagpasok nila ay wala si Kasumi.Nasa loob siguro sa isa sa mga cubicle doon.

Naghintay sila hanggang sa lumabas ito.

Bakas sa mukha ni Kasumi ang matinding gulat ng makita ang tatlo at bigla itong namutla.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon