Chapter 16: So Awkward..

25 1 0
                                    

“Ang tagal ni Sir! Akala ko ba 8:00am? 8:15 na ah..” –reklamo ulit ni Sandy. “Ang aga ko pa namang gumising para hindi malate tapos sya pa pala tong late!”

Nandito na silang apat sa harap ng Cafe Sweets.

*Beep!!! Beep!!!*

 

 

 

 

May bumusina sa harap nilang kotse.

“Sorry guys I’m late, may dinaanan pa kasi ako.” –lumabas si Hideaki sa kotse.

Ordinaryo lang ang suot nitong damit.

[Michi’s POV]

Mas pogi sya pag ganito lang ang suot nya. T-shirt at at short na pang beach.

“Sakay na kayo!”

Sumakay kaming tatlo nina Sandy at Yani sa may likuran. Naiwan si Kasumi sa labas.

“Kasumi, sakay na!” –sabi dito ni Hideaki ng mapansing hindi pa rin ito sumasakay.

“E-eh Sir, k-kasi nahihilo po ako pag sa unahan.” –nahihiya nitong sabi.

“Ah ganun ba, Sinong pwede sa unahan?” –tanong nito sa aming tatlo.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon