Chapter: 50: Against All Odds

3 0 0
                                    

"Bat ko nga pala hindi nakikita si Akio na pumupunta dito?" -tanong ni Sandy kay Yani.

"Ah, may international tour kasi sya. Two weeks pa bago sya umuwi." -paliwanag naman ni Yani. "Kayo panay ang labas nyo ni Ryota ha. Hindi ba kayo nagkakasawaan ng mukha? Hahaha"

"Hinding hindi ako magsasawa sa napakapogi nyang mukha no!"

"Sus! Arte mo! Hahaha Nga pala Michi, parang hindi ka na rin lumalabas kasama si Ren ah, may nangyari ba?"

"Wala naman, busy siguro yung tao." -sabi na lang ni Michi.

"Gusto nyo nga palang sumama mamaya, manonood ako ng competition ni Yuichi." -yaya ni Yani sa dalawa.

"Ikaw na lang, may lakad kami ni Ryota."

"Ayoko, dito na lang ako sa bahay." -Michi.

"Bahala kayo."

"Go Yuichi!!!!" -ubod lakas na sigaw ni Yani ng si Yuichi na ang magpeperform.

Panay ang cheer ni Yani dito.

Nagchampion si Yuichi at bilang selebrasyon ay kumain sila sa labas.

"Orderin mo lang lahat ng gusto mong kainin. Sagot ko lahat." -sabi ni Yuichi.

"Aba! Gusto ko yan!" -tuwang tuwa naman si Yani. "Sayang hindi nakasama yung dalawa."

"Bakit nga ba hindi sila sumama?"

"Naku si Sandy may date, si Michi naman tinatamad, mas gusto sa bahay lang."

"Ngayon na lang ulit tayo nakakain sa labas ah. Sa bahay lang palagi tayo tumatambay." -sabi ni Yuichi.

"Kaya nga, pasensya ka na, hindi kita minsan nayayaya. Hayaan mo mula ngayon babawi na ako sayo." -nakangiting pahayag ni Yani.

"Sabi mo yan ha!"

"Oo na! Sya mamaya na ang daldal at ako'y nagugutom na."

"Miss na kita, Yani" -sabi ni Akio mula sa kabilang linya. Nag vivideo chat silang dalawa ni Yani.

"Mas miss na miss na miss na miss naman kita."

"I love you!"

"Parang ang lambing mo ata ngayon? Anong nakain mo?" -biro ni Yani dito.

"I love you!"

"Oo na, I love you na din. Hahaha. Malapit ka ng umuwi, tatlong araw na lang"

"Para ngang ang bagal ng oras dito. Gusto ko ng umuwi." -reklamo ni Akio.

"Ano ka ba! Mag-enjoy ka lang dyan. Yung mga pasalubong mo sakin ha, wag mong kakalimutan." -paalala ni Yani.

"Maiba ako, madalas pala kayong lumalabas ni Yuichi." -sabi nito na parang nagseselos.

"Paano mo nalaman? Wala naman akong sinasabi ah."

"Yani, Kalat na kalat na sa internet ang picture nyong dalawa na magkasama. Sabi pa nga sa isang article pinagtataksilan mo daw ako." -tila nagtatampo ito.

"HAHAHAHAHAHAHA!! Nagseselos ka ba?"

"At ano namang nakakatawa dun? Kung wala lang talaga akong tiwala sayo, umuwi na agad ako dyan at lagot sakin yang Yuichi na yan! Sinasamantala nyang wala ako sa tabi mo."

"HAHAHA!! Nagseselos ka nga. Tingnan mo yang ilong mo namumula. HAHAHA"

"Hindi no! Malamig lang dito, sinisipon ako." -kunwa'y sabi nito.

"Asus! Mukha mo! Wag ka ng magselos. Alam mo namang bestfriend ko yun. Bumabawi lang ako sa kanya."

"Paano naman ako hindi magseselos. Mamaya dahil sa dalas nyong paglabas ipagpalit mo na ako sa kanya."

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon