Si Akio pala..
“Good morning!” nakangiti nitong bati.
“Salamat, Good morning din. Ang aga mong nagising ah.”
“Ah.. Maaga talaga akong gumising.”
“Ahhh..” nasabi ko na lang at nagsimula na kaming maglakad.
Sa tabi ng dagat..
“Napansin ko kahapon mukhang hindi ka pinapansin ni Yuichi. May problema ba?”
“Wala naman akong natatandaang ginawang masama sa kanya. Ewan ko ba dun bigla na lang hindi namansin. Hahaha”
Akio’s POV
Kagabi habang naglalakad lakad ako, narinig kong may sumisigaw.
“Teka lang, Manong!” hindi ko ito pinansin baka ibang tao lang yung tinatawag nya.
Maya-maya’y bigla na lang may nagsalita sa may likuran ko.
“A-ah, Excuse me po. Sa i-inyo po ata itong w-wallet.”
Mukhang tumakbo ito kasi hapong hapo.
Pagharap ko nagulat ako nung makita ko na si Yani pala to.
Halata sa mukha nito na nagulat din ito ng makita ako. Parang nag-aalinlangan pa ito at mukhang aalis na sana. Pinigilan ko sya at sinabing akin nga ang wallet.
“Sayo pala tong wallet. Pasensya na. Sige aalis na ako.”
Mukhang gusto nya akong iwasan. Hindi ko sya masisisi. Hindi naging maganda ang inasal ko sa kanya nung una naming pagkikita. Naiinis kasi ako sa mga fans na sunod ng sunod sakin. Wala ng ginawa kundi sumunod maghapon.
Nalaman kong hindi pala sya stalker nung hindi ko na sya nakita pagkalipas ng isang linggo. Karaniwan kasi sa mga stalker ko matapos mong mapagsabihan hindi pa rin tumitigil.
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sarili ko pero inaasam asam ko na sana makita ko ulit sya.
At yun nga, nagulat ako ng makita ko sya sa birthday ni Yuichi at the same time, natuwa na rin ako. Ewan ko ba kung bakit..
Akala ko matutuwa sya nung makita ako. Pero hindi man lang nya ako nginitian.
Umupo ako sa tabi nya since iyon na lang ang vacant seat. Gusto ko sanang humingi ng sorry sa kanya pero naunahan na ako ng hiya.
At nung nasa beach na kami nina Yuichi nakita kong parating na si Yani.Agad na lumapit naman dito si Yuichi. Lihim kong pinagmasdan si Yani. Simple lang ang ganda nya. Hindi nakakasawa.
Tsk! Ano ba tong sinasabi ko.
Nagkukulitan sila ni Yuichi at naghahabulan. Mukhang magsyota na ang mga ito.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Yuichi dati. Inamin nito sa akin na may gusto ito kay Yani. Sinuntok pa nga nya ako. Seryoso nga siguro ito kay Yani.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita ko silang magkasama parang may kumukurot sa dibdib ko. At kagabi nga buti na lang nagkaroon ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa kanya. Buti na lang pinatawad nya ako. Marami pa kaming napagkwentuhan. Hindi nakapagtataka kung bakit nagkagusto sa kanya si Yuichi. Mabilis ko din syang nakagaanan ng loob. Kaya naman sinabi ko sa kanya na gusto ko rin syang maging kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...