Chapter 20: Weird Feeling

17 0 0
                                    

 

[Yani’s POV]

5:30pm na..

Naglalakad lakad na lang kami ni Yuichi sa may tabi ng dagat.

Nakakapagod! Ang saya kanina habang naliligo kaming lahat. Ang kukulit nila. Lalo na si Sir Hideaki, di mo aakalaing boss na pero kung makikita nyo kanina parang batang tuwang tuwa.  Nagpicturan pa. Kung anu-ano yung mga pose nila. Nakakatawa. Tsaka yung pose ni Yuichi nung tumalon ito. Hahahaha parang bakla. hahahahahaha. Tapos binuhat pa nila si Ryota at inihagis sa dagat!! Ang saya nila kasama. Siguro iyon yung mamimiss namin kapag bumalik na kami sa Pilipinas.

Bigla kong naalala na may itatanong pala ako kay Yuichi.

 

“Yuichi, bakit hindi mo sinabi na birthday mo pala ngayon? Hindi man lang kami inimvite eh, kung hindi pa kami inimbita ni Sir hindi pa kami makakapunta dito.”

“Inimbita kaya kita kagabi.” –sabi nito. “Tumawag pa nga ako eh”

 

 

“Eh hindi mo naman sinabi na birthday mo eh, wala tuloy akong regalo sayo, nakakahiya!”

“Alam ko namang hindi ka rin pupunta lalo na’t ako ang mag-iimbita sayo. Pero okay lang kahit walang regalo, ang mahalaga nakapunta ka.”

“Para namang ang salbahe ko dun sa sinabi mo. Hindi ako ganun no.”

“Eh di ba galit ka sakin dahil dun sa text?”

“Sino namang maysabi sayo?”

“Wala lang, hula lang.” –sabi nito sabay sipa dun sa maliit na bato.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon