Chapter 18: Nandito sya? (O_O)

23 0 0
                                    

Muntik na akong mabulunan ng makita ko kung sino ang hinihintay nilang bisita.

Tama ba ang nakikita ko o nananaginip lang ako?

Si Akio!!!!

Bigla akong natuwa. Ang gwapo nya talaga. Nakashort lang din at T-shirt ito kagaya nina Yuichi.

 

“Buti nakahabol ka pa, upo ka na! kakaumpisa pa lang naming kumain.” –Ryota.

Oh my! Sa tabi ko sya uupo! Waaaahhh.. Makakain pa kaya ako nito ng matino? Malulunok ko pa ba ang mga isusubo kong pagkain? Waaahhh (>o<)

Mukhang nagulat ito ng makita ako. Pero agad din itong nakabawi. Pagkatapos ay ngumiti sya sakin.

Waaahhhhh.. Nginitian nya ako!! Ang saya!!  \(o^-^)/

Bigla akong napatingin kay Sandy dahil ako naman ang tinapakan nito.

Masama ang tingin nya kay Akio at nung tiningnan ko si Michi ay ganun din ito.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan sila makatingin kay Akio.

Pagkatapos naming kumain at magpahinga sandali ay dinala na kami ni Yuichi sa mga kwarto namin. Kaming mga babae ay sama-sama sa isang kwarto. Grabe! Ang laki ng kwarto sa Beach Resort na ito. Siguro family size na to.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon