Pagkadating sa hotel.
“Oh bat ngayon ka lang?” tanong ni Sandy. “Di ba sabi ko sayo wag kang magpapagabi!”
“O.A mo Sandy ha! Ano, nanay? Nanay? Huh?” –biro ko dito. “ Kumain na ba kayo? Nagtake-out ako, kain tayo!”
“Kayo na lang, busog pa ako. Eh saan ka ba nag-punta at ginabi ka?” tanong ni Yani.
“Dyan lang naglibot-libot lang.”
“Uy kilala mo ba Sis kung sino ang naghatid kanina kay Yani?” –pagbabalita ni Sandy.
Napangiti na lang ako kasi alam ko na kung sino. Pinagpaalam kaya sya kanina sakin ni Yuichi sa text. Ilalabas daw nya si Yani.
“Bat ka nakangiti? Alam mo na? “-Sandy
“Ah alam ko na! Ikaw ang nagbigay ng number ko kay Yuichi noh? Ikaw talagaaaa!!! –sigaw ni Yani sabay hila sa tenga ko.
“A-aray!! Bitawan mo nga tenga ko!! Masakit! Eh hiningi nya sakin eh.”
“Kahit na! Dapat sinabi mo sakin!”-sabi nito.
“Sorry na. “
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...