Chapter 43: Sandy's Sacrifices

1 0 0
                                    

Kinaumagahan, nang magising na si Ryota ay nagpumilit itong tumayo. Si Hideaki ang nagbabantay dito. Pinauwi na naman nya sina Sandy, Yani at Michi at pinagpahinga. Hindi muna nya ang mga ito pinapasok. Si Yuichi naman ay umuwi din para kumuha ng mga damit ni Ryota habang nagpapagaling pa ito sa ospital. Pumunta naman agad si Akio ng tinawagan nila upang ipaalam dito ang nangyari kay Ryota pero umalis din agad dahil may taping pa itong ginagawa.

"Magpahinga ka muna Ryota." -pigil ni Hideaki dito dahil akma tong babangon.

"Ba-bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko? Anong nangyari?"- mababakas sa mukha ni Ryota ang takot.

"E..eh k..kasi" - Hindi naman malaman ni Hideaki kung paano sasabihin ang totoo dito.

"ANO!!! " -sumigaw na ito.

"R..Ryota, naipit daw ang mga ugat mo sa may binti. A..at kailangan pa ng therapy para lang makalakad ka ulit." -Hideaki.

"No!! Tell me you're lying!! You're lying!!!" -nagsimula na itong magwala. Tinabig nito ang mga laman sa side table. Pinilit nitong tumayo pero natumba lang ito.

"Stop it! Stop acting like a brat kid okay." -sabi naman ni Hideaki habang tinutulungang makabalik si Ryota sa kama nito.

"Ayokong maging lumpo. AHHHHH!!"-pinalo palo nito ang kanyang mga paa.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon