Chapter 36: Breaking News

9 0 0
                                    

“ 5 days na lang Christmas na! Ang bilis ng araw no?” –sabi ni Michi habang kumakain sila ng hilaw ng manggang may bagoong sa maliit nilang dining room.

“Oo nga, kelan ba tayo babalik ng Pilipinas?” –tanong naman ni Yani.

“Ano ka ba, di ba pinag-usapan na natin na kapag natupad na yung talagang ipinunta natin dito tsaka lang tayo uuwi.” –pagpapaalala ni Sandy.

“Eh para namang walang nangyayari eh. Hindi ko na nga ulit nakita si Akio pagkatapos ng birthday ni Yuichi. Tapos yung Ryota mo may Kasumi na. Umuwi na lang kaya tayo.” –Yani

“Hep!Hep! Excuse me. Lilinawin ko lang, hindi pa sina Ryota at Kasumi, okay?. Nagdadate pa lang. At hindi porket hinahayaan ko silang magdate eh sumuko na ako. Pasasaan bat mapapasakin din yang si Ryota. Hahayaan ko na munang ienjoy nya si Kasumi. WAHAHA” –determinadong sabi ni Sandy

“Hala, naloka na! Tsk!” –naiiling na napapangiti si Michi.

“Ay teka may tumatawag.” –si Yani sabay kuha ng cellphone. “Hello? Oh Kasumi, napatawag ka?”

Napatingin sya sa dalawa.

“Ah wala naman. Sige, ngayon na? Sige wait mo kami sa may train station. Bye!”

“Speaking of Kasumi. Anong sabi?” –Sandy

“Sabay sabay na daw tayong bumili ng pangregalo para sa exchange gift natin. Ngayon na daw.” –Yani

“Ay oo nga pala, muntik ko ng makalimutan yun. Sige tara!” –Michi.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon