Chapter 1: Ang Simula ng lahat..

72 1 0
                                    

Binabalak ng magkakaibigan na sina Yani Lopez, Sandy Gomez at Michi Santos na magbakasyon. At sa Japan nila naisip na pumunta. Kaya nag-ipon sila para sa magagastos papunta dito! Ngayon ay Tuesday at sa Thursday na ang punta nila sa Japan. Kaya naman todo todo na sa pag-iimpake ang tatlo. 

"Ano? Wala na bang nakalimutan?", tanong ni Yani.

"Wala na, andito na lahat, ahh,, may naiwan pala..si Michi!  Halika dito ilalagay na kita sa loob ng maleta, baka kulangin tayo sa pamasahe eh, ang dami mong binili." pabiro namang sabi ni Sandy. 

 " Sira! hahaha.. Konti nga yung sa inyo ang mamahal naman..!" himutok ni Michi.

"Pag bibili ka kasi wag mong isipin ang presyo, isipin mo yung kalidad" tila ekspertong sabi ni Yani.

"Yes Mam! masusunod po~!" sagot ni Michi. 

"Excited na ako sa Thursday! waahh~~ hindi na ako makapaghintay!" sabik na sabik na sabi ni Sandy.

"Hindi ka na makapaghintay? Sige, kung gusto mo hatid ka na namin ngayon ni Michi sa Airport, mauna ka na!" pagbibiro naman ni Yani.

"hahaha.. ~~  Tse! " sabay irap si Sandy.



Huwebes~! ang araw ng pag-alis nila.

sa Airport... 

 "wooohh~ malapit na tayongsumakay. 5 minutes na lang! yahoo!" tuwang tuwang sabi ni Sandy.

 Sina Yani at Michi ay parehas tahimik at walang imik, kaya pinansin sila ng sabik na sabik na si Sandy.

"hindi ba kayo natutuwa? Malapit na tayong umalis.!!"

"natatakot ako sumakay sa eroplano~" sabay pang sabi nina Yani at Michi.

"hahahaha, kawawa,wag kayo mag-alala piloto na bahala sa inyo.~ hahaha. "  nang-aasar na naman si Sandy.


HABANG NASA EROPLANO~

si Sandy at Yani ay nakatulog. Samantalang si Michi ay hindi makatulog dahil sa sobrang takot, kaya naman inaliw nya ang kanyang sarili sa pagtingin ng view sa labas ng eroplano! 

at maya maya ay nakatulog na rin siya. 


...

.....

...

 "hoy gising na kayo, malapit na tayo maglanding sa Japan!" pukaw ni Yani sa mga natutulog.

"hhhmmmmmm, ang bilis naman~," may kasamang hikab na sabi ni Sandy.

 "anong mabilis? mahigit na apat na oras kaya ang byahe, tapos tinulugan mo lang"

"akala mo sya hindi natulog." natatawang singit ni Michi.

"kaw? nakatulog ka ba ng ayos?" tanong ni Yani.

"medyo. Hindi ako mapakali kanina eh kaya nagigising ako~

"yey!! welcome to JAPAN!! " putol ni Sandy sa usapan nina Yani at Michi.. 


sabay sabay na silang bumaba sa eroplano..~  

at FINALLY AY NASA AIRPORT NA SILA NG TOKYO. 



 "nakakalito naman dito~ saan tayo unang pupunta?" tanong ni Yani.

"teka, sabi ni Rika aabangan daw nya tayo dito eh." palinga-lingang tugon ni Sandy.

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon