Pagdating sa beach..
“Ganito ang magiging laro, pili kayo ng partner nyo. Babae at lalaki dapat. Yung mga babae sasakay sa balikat ng mga lalaki at itutulak naman ng mga babae yung kalaban nila. Gets nyo?” –paliwanag ni Hideaki.
“Ahhhhh” –sabay nilang sabi.
“Okay, bahala na kayong pumili kung sinong kapartner nyo.” –Hideaki. “Michi! Since ikaw yung kapartner ko kanina sa kantahan, pwede bang ikaw na lang din ang partner ko dito?”
“A-ako po?” –tila nahihiyang sabi ni Michi.
“Ayaw mo ata, sige iba na lang. Hehehe “ –kamot sa batok na sabi ni Hideaki at akmang aalis na.
“Ah hindi, pumapayag na ako. (^_^) Okay lang po yun.” –Michi.
At sila na nga ang naging magkapartner.
Inalok naman ni Akio si Yani, at dahil wala pa rin itong kapartner ay pumayag na ito.
Si Sander at Sandy naman ang magkapareha, wag nyo ng itanong kung bakit. Baka mainis pang lalo si Sandy.
Ang pinili naman ni Mika ay si Ryota. (eh di nasagot din ang tanong sa taas. Naunahan kasi ni Mika si Sandy eh.)
Si Yuichi at Kasumi naman. Well, no choice eh.
Ang unang naglaban:
*Hideaki-Michi
*Ryota-Mika
Halatang kinakabahan si Michi.
“Naninigas ka, relax ka lang. Hawak naman kita eh.” –sabi ni Hideaki.
Tumango na lang si Michi.
Nagsimula na ang laban.
Tulakan dito, tulakan dyan. Walang nagpapatalo.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...