Dalawang linggong naging smooth lang ang takbo ng lahat.
Naging maganda ang takbo ng Café ni Hideaki.
Mas dumami ang customer lalo na ng mga babae simula ng magtrabaho doon si Sander.
“Good morning po. Wel- Uy Ryota, Ikaw pala!” –bati ni Michi sa bagong dating na customer.
“Nandyan ba si Hideaki?”
“Ay kakaalis lang.”
“Sinabi ba kung saan sya pupunta?”
“Hindi eh, nagmamadali kasi sya.”
“Ah, sige.” –sabi ni Ryota sabay hanap ng bakanteng mauupuan nya.
Lumapit si Yani kay Ryota dahil tinawag sya nito. Mukhang oorder.
“Oorder ka?”
“Ah yes, one slice of mocha cake and a cup of cappuccino.” –sabi nito na palinga linga na waring may hinahanap.
“Yun lang ba?”
“A-ah, oo.”
“Sige, wait mo na lang yung ang inorder mo ha. Excuse me.”
Tumango lang ito.
“Eto yung order ng table 10.” –sabay abot ni Yani kay Sandy ng papel. Ito ang nasa cashier ngayon dahil day-off ni Kasumi.
Tiningnan ni Sandy ang customer sa table 10.
“S-si Ryota ba y-yun?” –nauutal na tanong ni Sandy.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...