“Good morning,Sir!” –masiglang bati ni Yani kay Hideaki na kakapasok lang sa Café kasama si Sander. Siya ang naka-assign ngayon bilang greeter.
“Good morning din. (^_^)”
“Hi, Sandy!” –bati naman ni Sander pagkakita nito kay Sandy sabay kindat.
“S-sander?” –sabay taas ng kilay.
Ngumiti lang ito. At sumama na kay Hideaki papuntang opisina nito.
“Hoy! Nakita ko yung ginawa mo kanina. Umayos ka ha! Napakababaero mo talaga.” –Hideaki
“Wow! Nagsalita ang hindi.”
“Pshhh, anyways, bakit mo nga pala gustong magtrabaho dito? Pwede ka namang mag-apply sa malalaking company. Bakit dito pa?” –naghihinalang tanong ni Hideaki
“Ano ka ba, Pare. Parang part time lang ito habang nandito ako. Sandali lang naman to bago ako bumalik sa Korea. Just to cover up my needs’ expenses
.”
“I can lend you some money.”
“No! Gusto ko pinaghirapan ko bago ko makuha. Sige na pare..”
“Okay, just make sure wala kang ibang agenda. Kelan ka magsisimula?”
“Thank you, Bro! As soon as possible sana.”
“Ah sige, bukas!”
“Sige, salamat ulit. Mauna na ako. Dadaanan ko pa kasi yung pinagawa kong laptop.
“Okay, make sure maaga ka bukas! I will introduce you to others.”
“I will.”
Kinabukasan matapos maipakilala ni Hideaki si Sander sa lahat bilang empleyado ay nagsiuwian na din ang lahat.
Habang naglalakad ang tatlong magkakaibigan ay hindi naiwasang tuksuhin ng dalawa si Sandy tungkol kay Sander.
“Ayiieeehh!! Sinundan ka ng Prince Charming mo.” –panimula ni Michi na sinundot pa ang tagiliran ni Sandy.
“Prince Charming mo mukha mo! Si Ryota lang ang nag-iisa at natatangi kong Prince Charming!! Wala ng iba.” –giit naman ni Sandy.
“Tadhana na ang naglalapit sa inyo ni Sander.. Ayiieeeh!!” –tukso din ni Yani.
“Tigilan nyo nga akong dalawa. Pag-untugin ko kayo eh.” –sabay walk-out.
“To naman! Jinojoke lang eh. Intayin mo kami!!” –Michi.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...