Habang nasa trabaho ay pinipilit nina Kasumi at nung tatlo na gawing normal ang lahat. Na parang walang nangyari. Tuloy tuloy pa rin ang pagsundo ni Ryota kay Kasumi at walang makapaglakas ng loob na sabihin sa binata ang totoo.
Pero isang gabi habang sina Yani, Michi at Sandy ay nagpapahinga sa kanilang kwarto, bigla na lang nagulat ang dalawa ng magsalita si Sandy.
"Hindi na ako makakapayag nito. Hindi kaya ng konsensya ko na itago pa ito. Nasasaktan ako para kay Ryota. Sasabihin ko na to sa kanya." -tumayo ito patungo sa pintuan.
"Sandy!! Hintay!" -habol naman ng dalawa.
*ding dong*
Nandito na sila sa harap ng apartment nina Ryota.
"Friend, sure ka ba talaga sa gagawin mo? Now na talaga?" -Yani.
"Oo, siguradong sigurado na ako."
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Hideaki.
"Hey ladies. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" -sabi ni Hideaki na nakangiti pa.
"Nandyan ba si Ryota?" -tanong ni Sandy
"Ryota!! May naghahanap sayo. Pasok kayo" -sabi ni Hideaki na niluwangan ang bukas ng pinto upang makapasok ang tatlo.
"Bakit nyo ako hinahanap?" -nakangiti pang tanong ni Ryota.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...