Chapter 51: End of the Journey

5 0 0
                                    

Naging masaya ang mga nagdaang araw para sa magkakaibigan na sina Michi, Yani at Sandy. Tuloy pa rin ang pagtatrabaho nila sa Café Sweets.

"Umuwi muna kaya tayo ng Pilipinas? Ang tagal na nating hindi umuuwi. Kahit isang linggong bakasyon lang. Ano sa tingin nyo?" -tanong ni Yani sa mga kaibigan.

"Oo nga, namimiss ko na rin sina Papa at Mama." -sabi naman ni Sandy.

"Oo, papayag naman siguro si Hideaki kung magleleave muna tayo sandali sa trabaho." -Michi.

At yun na nga. Napagpasyahan nilang umuwi muna ng Pilipinas.

Naayos na nilang lahat ang kanilang mga kailangan sa pag-uwi nila sa Pilipinas. Nakabili na rin sila ng mga pasalubong.

Dalawang araw na lang at flight na nila.

"San ka pupunta?" -tanong ni Michi kay Yani dahil nakita nya ito na bihis na bihis.

"Tumawag kasi si Yuichi, magkita daw kami." -sabi nito.

"Ah sige, mag-ingat ka ha." -bilin ni Michi.

Sa Happy Park nagpunta sina Yuichi at Yani.

"Tanda mo pa yung araw na nagpunta tayo dito?" -si Yuichi ang unang nagsalita.

"Syempre naman malilimutan ko ba yun eh sa tuwing maaalala ko yung mukha mo nung nasa rollercoaster natatawa ako. HAHAHA eh ikaw?" -natatawang sabi ni Yani.

"Oo naman! Ang sungit mo pa nga sakin nun eh."

"Hahaha, eh kasi naman ikaw eh!"

"oh bat ako? Hahaha! Pero alam mo namimiss ko yung mga panahon na yun" -biglang parang nalungkot ito.

"Namimiss mo? Eh di ulitin natin!" -bigla nitong hinigit ang kamay ni Yuichi at pumunta sa mga pinuntahan nila dati.

-------------

"Nag-enjoy ka ba?" -nakaupo na sila ngayon sa isa sa mga bench doon sa park. Hindi nila namalayan ang oras dahil gabi na.

"Super!!"-tuwang tuwa si Yani.

"Nga pala, malapit na kayong umuwi sa inyo. Mamimiss kita."

"Ano ka ba, babalik pa naman kami dito. Isang linggo lang kami dun no at hindi isang taon."

"Kahit na. Mamimiss pa rin kita."

"Asus!! Oo na! Mamimiss din kita." -sabay pingot nito sa ilong ni Yuichi.

Tahimik nilang pinagmasdan ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit.

"Alam mo, Yani, maswerte ako kasi nakilala kita. Aaminin ko sayo, noon pa man gusto kita."

Nagulat si Yani sa sinabi ni Yuichi.

Pero tanggap ko na naman na para ka talaga kay Akio. Dahil mas mahalaga sakin ang kaligayahan mo at nakikita ko namang masaya ka sa kaya. Pero kung ako kaya ang una mong nakilala, magustuhan mo kaya ako?"

"Oo naman! Kaya nga bestfriend kita eh." -sabay akbay nito kay Yuichi.

"Hindi bilang kaibigan. Yung alam mo na."

"Hindi naman natin natuturuan ang ating puso kung sino ang dapat o hindi dapat mahalin. Mabait ka, Yuichi. Lahat na nga ata ng mga katangian ng isang lalaki na hinahanap ko nasayo na. Ang problema nga lang, hindi ikaw sya." -sabi ni Yani sabay turo sa puso nya.

"Sana sa susunod nating buhay magkatagpo ulit ang landas natin at sana sa pagkakataong yun pwede na tayo." -sabi ni Yuichi na nakangiti na.

-------------

The Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon