Nagpatuloy tuloy ang paggaling ni Ryota hanggang sa kaya na nyang ikutin ang loob ng kwarto nya yun nga lang ay nangangailangan pa rin ito ng kaunting alalay. Buti na lang at nandoon si Sandy na syang umaalalay dito.
*tok tok*
"Pasok!" -mababakas ang pagka-excite sa mukha ni Ryota ng marinig ang pagkatok na iyon.
Iniluwa nito si Hideaki.
Agad namang nadismaya si Ryota dahil hindi ang kanyang inaasahan ang dumating.
"Hey Bro! Wala ata ang therapist mo ngayon?"-pansin ni Hideaki.
"Wala, day-off nya." -walang kagatol gatol nitong sagot.
"Oh, bat ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba natutuwang makita ako."
"Tsss! At bat naman ako matutuwa? Manggugulo ka lang naman dito."
"Nasan nga pala si Sandy? Bat hindi mo sya kasama?"
"Lahat na lang napansin mo! Wala, mamaya pa sya dadating."
"Kaya siguro hindi maipinta ang mukha mo kanina kasi sya ang inaasahan mong dumating no." -asar ni Hideaki.
"Hindi no! " -sagot agad ni Ryota.
BINABASA MO ANG
The Journey of Love
HumorMay iba't-ibang uri ng umiibig.. May torpeng hindi masabi-sabi ang nararamdaman. Merong nanloloko lang. Yung iba kayang maglakas ng loob na magtapat. Merong naghihintay ng tamang tyempo. Merong nagmamahal pero hindi sya mahal. Merong seryoso.. At...